Press "Enter" to skip to content

Dalagitang Nagahasa, Patay Matapos Barilin Ng Riding In Tandem

Matapos umano na magsampa ng kaso ng panggagahasa ang isang 15 anyos na dalagita, ay tinambangan naman ito at pinagbabaril hanggang mamatay habang papauwi sa kanilang bahay kasama ang ilang mga kaanak.

Tinambangan habang pauwi

Tugegarao City, Cagayan, Philippines- isang 15 anyos na dalagita ang nagreklamo matapos itong molestyahin. Ngunit nito lamang Huwebes, habang sakay ng isang motorsiklo ay pinagbabaril ang biktima hanggang mapatay ng hindi pa nakikilalang naka riding in tandem. Kasama ng dalagita ang dalawang  kamag anak habang nangyari ang krimen.

Dalagitang Nagahasa, Patay Matapos Barilin Ng Riding In Tandem 2
Photo Credit: Facebook

Dakong 6:30 ng gabi, nang pauwi na ang biktima na si Fabel Pineda sa kanilang tahanan habang lulan ng motor kasama ang kaniyang tiyuhin at pinsan nang tambangan sila ng riding in tandem assassins sa naturang lugar, ayon kay P/Captain Ramil Llarenas.

Panawagan sa social media

Naisugod naman ng mga nakakita ang biktima sa pribadong ospital, ngunit idineklara rin na patay sanhi ng dami ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Sa social media gaya ng Facebook at Twitter, makikita ang mga post na humihingi ng hustisya sa pagkamatay ng dalagitang nagahasa. Makikita ang post na may hashtag #justiceforFabel. Ayon pa sa mga post pinatay ang dalagita ng walang kalaban laban.

Dalagitang Nagahasa, Patay Matapos Barilin Ng Riding In Tandem 3
Photo Credit: Twitter

Ayon pa sa post sa twitter, si Fabel ay nag file ng rape laban dalawang pulis. Humingi pa umano ang biktima ng escort pauwi ng bahay ngunit hindi siya pinagbigyan. Habang patungo ang biktima pabalik ng bahay ay tinambangan ito ng naka riding in tandem assassins.

Puntirya talaga ang biktima

Lubos naman ang pighati ng mga nakakakilala sa biktima, at bumuhos ang pakikiramay ng mga ito sa social media. Ayon pa sa ilang netizen, sana ay makamit ang hustisya ng dalagitang na rape na at pinatay pa. Dagdag pa ng iba, nawawala na ang tiwala nila sa mga taong dapat sana ay nag poprotekta sa mga sibilyan.

Dalagitang Nagahasa, Patay Matapos Barilin Ng Riding In Tandem 4
Photo Credit: Inside Eko

Ayon pa kay Llarenas, puntirya talaga ng mga suspek ang dalagita, sa kadahilanang nagsampa ito ng kasong pangmomolestya laban sa isang tao, na hindi na muna sinabi ang detalye habang nagsasawa pa ng follow up investigation sa kaso.

Source: Philstar

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: