Bugbog sarado ang dalawang barangay tanod matapos sitahin ang isang residente dahil sa paglabag nito sa quarantine protocol. Ang salarin, ay ang kamag-anak ng nasabing nasita.
Nagulping tanod
Natanggalan ng ilang ngipin at puno ng sugat sa katawan ang isang barangay tanod na si Hilario Angeles. Ito ay matapos sitahin ang kanyang kabarangay na di umano ay nakatambay s labas ng bahay. Nangyari ang insidente sa Barangay Pinagbarilan Baliuag, Bulacan.
Matapos sitahin ay nagalit umano ang pasaway na tambay at minura pa siya nito. Hinawakan umano ni Angeles sa braso ang suspek at sinabihang dadalhin sa barangay. Matapos ito, nagpumiglas ang suspek at tumakbo sa kanilang bahay.

Katulong ang isang kapwa tanod na si Osias Angeles ay dali-dali nila itong hinabol sa bahay ng suspek. Dahil dito, kinuyog ng mag-anak ng suspek ang dalawang tanod. Dahil sa katandaan, hindi na nakapanlaban pa ang dalawang biktima.
Apat na tahi sa gilid ng noo ang nakuha ni Osias. Aniya, sasaklolo lamang sana siya sa kanyang kasamahan ngunit bigla din siyang binanatan ng mga suspek. Batong malaki umano ang pinangpukpok sa ulo niya na naging sanhi ng malaking sugat.
Arestado
Agad na inaresto ang ang ama kasama ang tatlo niyang anak na sina Rommel Detumon Delima, Alexander Delima, at Warlon Delima at isa pa nilang pinsan. Patong-patong na kaso ang haharapin ng mga suspek. Kabilang na dito ang Assualt, Resisting Arrest, Disrespect to Authority at Bayanihan Act Violation.

Depensa ni Angeline, kapatid at anak ng mga suspek, sumobra umano ang dalawang tanod ng pasukin nila ang bahay ng mga suspek upang hulihin lang ang pasaway na tambay. Humingi naman daw ng sila pasensya dahil sa paglabag nito sa quarantine protocol ngunit hindi daw sila pinakinggan ng mga biktima.
Problema ngayon ng pamilya kung saan kukuha ng pang piyansa para sa kanyang suspek. P51,000 ang piyansa ng bawat isa sa kanila. Saan daw nila kukunin ang pera gayung mahirap lamang sila.
Pahayag ni kapitan
Ayon naman sa kapitan ng barangay na si Chairman Danilo Bugay, hindi lamang ito ang unang beses na nasita ang mag-anak dahil sa pagsaway sa quarantine protocol.Lagi na lamang daw umano silang gumagawa ng dahilan upang makalabas kahit walang quarantine pass.

Wala man COVID-19 positive sa kanilang lugar, ngunit mayroon naman 2 suspect, at isang probable case silang binabantayan. Kung kaya naman todong pag-iingat ang ginagawa ng mga opisyal ng barangay.
Source: GMA News
Be First to Comment