Press "Enter" to skip to content

Dalawang Grupo Ng Mga Rebelde Ginambala Ang Bicol

Legazpi City, Philippines – Nasibat kamakailan ng hukbong sandatahan ang mga food supplies, expolosives mula sa mga rebeldeng komyunistasa sa Barangay Calpi, Bulan Sorsogon. Dalawang grupo ang nalupol ng Army sa magkakahiwalay na engkwentro.

Pagkabulabog

Ani ni Capt. John Paul Belleza, 9th Infantry Division spokesperson ay nakatanggap sila ng tip mula sa mga residente malapit sa kanilang lugar ng mga NPA na pagala-gala at nagdudulot ng komosyon sa lugar . Agad naman umaksyon ang sandatahan at pinuntahan ang lugar kung saan nakipagpalitan ng putok sa mga communist NPA terrorist.

Dalawang Grupo Ng Mga Rebelde Ginambala Ang Bicol 2
Photo Credit: Philippine News Agency

Tumagal ng halos 30-minuto ang labanan na nagresulta sa pgkalipol ng mga rebelde. Dito nalikom ang mga ilang kagamitan ng mga rebelde na pampasabog at mga imbak na pagkain, electrical wires at mga personal na kagamitan mula sa mga rebelde.

Ikalawang Engkwentro

Pagkaraan ng 2 oras ay muling nakatanggap ang hukbo ng tip-off mula sa mga concerned citizens sa karatig bayan ng mga pamububulabog muli mula sa mga nakatakas na rebelde sa unang engkwentro. Agad rumisponde ang hukbo para lipulin ang mga komyunistang rebelde.

Dalawang Grupo Ng Mga Rebelde Ginambala Ang Bicol 3
Photo Credit: Philippine News Agency

Ang mga rebelde ay agad ding nalipol at hinihinalang grupo sila ng Larangan 2, Komiteng Probinsya 3 ng Bicol Regional Party Committee (BRPC). Ani ni Belleza, ay balak gambalain ng mga rebelde ang immersion activities ng Community Support Program o CSP na programa ng gobyerno bilang pagtulong sa lugar.

Pagsubaybay at Pagtatala

Ang Community Support Program o CSP na programa ng gobyerno ay nasa lugar upang magsagawa ng immersion activities upang matugunan kung ano-ano ang mga kailangan ng mga tao sa lugar. Ito ay programa ng gobyerno upang mabuhayan muli ang mga tao ng pagasa at pangkabuhayan sa lugar sa pamamaraan ng community development.

Ani naman ni Joint Task Force Bicolandia (JTFB) commander Maj. Gen. Henry Robinson Jr. na ang hukbo sa Bicol ay mas pai-igtingin ang checkpoint at counter measures upang maiwasan ang mga ganitong klaseng karahasan. Ang aksyon na ito ng hukbo ay kinakaialangan upang maiwasan ang pagkaantala sa mga kinakailangan ng mga lokal na komyunidad.

Dalawang Grupo Ng Mga Rebelde Ginambala Ang Bicol 4
Photo Credit: Philippine News Agency

Ani ni Robinson na, hinihikayat niya ang mga rebelde na manumbalik at sumunod na lamang sa batas imbis na magdulot ng panggugulo at kapahamakan sa mga lokal at gobyerno. Iniiwasan lamang nila ang naambang karahasan na maari namang madala maayos at payapang paraan.

Tunghayan ang buong kwento sa Philippine News Agency

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: