Press "Enter" to skip to content

Dalawang Magagandang Aktres, Nangangalap Ng Pondo Sa Pagbili Ng Test Kits Para Sa COVID19

Naglunsad ng Shop and Share ang dalawang magagandang aktres sa showbiz, si Angel Locsin at Anne Curtis. Layunin nila ang makalikom ng pondo para makabili ng mga test kits para magkaroon ng testing upang matukoy ang mga positibo sa COVID19.

Shop and Share

Pinamunuan nila Angel Locsin at Anne Curtis ang pangangalap ng pondo para sa pagbili ng mga test kits. Sila ay naglunsad ng “Shop and Share”, kung saan pwedeng magbebenta ang mga celebrities ng kanilang mga lumang gamit, tulad ng bags, sapatos, damit, at iba pa. Ang mga kita naman nila sa pagbebenta ay kanilang ibabahagi na gagamitin sa pagbili ng test kits.

Dalawang Magagandang Aktres, Nangangalap Ng Pondo Sa Pagbili Ng Test Kits Para Sa COVID19 2
Photo Credit: Angel Locsin

Ayon kay Angel, matagal na rin nilang na-umpisahan ang ganito. Noong 2009, sa parehong pamamaraan ay nakalikom din sila para sa pagtulong sa mga biktima ng bagyong Ondoy.

“It’s been a while since we’ve done this — way back in 2009 in fact when we first put up Shop and Share to help those who were affected by Typhoon Ondoy. We had actors, singers and even basketball players donate personal items from designer bags, clothes, jerseys, jewelry, etc., and we auctioned them off on Ebay, with all the proceeds going to the Philippine Red Cross,” said Angel.

Dagdag pa ni Angel:

“And, now, we humbly reach out again. These are hard times, truly frightening times for the Filipino people, especially with coronavirus cases still on the rise. Many have been doing their part in trying to give hope or just to make each day easier for those who are in need. And the hard truth is they will remain in need as COVID-19 remains the invisible enemy amongst us changing our lives and sadly disrupting livelihoods.”

Si Darna at Diyosa

Nakakatuwang isipin na gumagawa ng paraan ang dalawang aktres para makatulong sa lahat. Maraming tao ang matutulungan nila, kapag nakalikom na sila ng pambili ng test kits. Mas madaling matukoy kung sino ang mga positibo ng COVID19.

Dalawang Magagandang Aktres, Nangangalap Ng Pondo Sa Pagbili Ng Test Kits Para Sa COVID19 3
Photo Credit: Angel Locsin

Talagang pinapatunayan lang nila Darna at Diyosa na may malasakit sila sa kanilang kapwa. Hindi lang pala sa pelikula sila maaasahan kundi sa totoong buhay din. Tunay nga na taga-pagligtas si Darna at si Diyosa.

Sana tularan

Sadya nga na kahit sa anong paraan ay makakatulong pa rin tayo sa ating kapwa. Mas mabilis masugpo ang kalaban kung tayo ay nagtutulungan at hindi nagsasapawan o nagyayabangan.

Dalawang Magagandang Aktres, Nangangalap Ng Pondo Sa Pagbili Ng Test Kits Para Sa COVID19 4
Photo Credit: Anne Curtis

Halimbawa na lang ang dalawang aktres na ito, kung tutuusin pwede na silang maupo lang sa bahay nila at asikasuhin ang sarili nilang pamilya. Pero mas gusto nila ang tumulong para sa atin. Tularan natin ang dalawa, lahat naman tayo ay may magagawa kung gugustuhin natin.

Source: Rappler

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: