Press "Enter" to skip to content

Dalawang Miyembro Ng Sindikato Ng Droga, Patay Matapos Makipagbarilan Sa Mga Pulis Sa Laguna

Buhay ang naging kabayaran ng tangkang pagtakas ng dalawang miyembro ng isang notorious na drug group sa isang buy bust operation sa Laguna nitong Sabado, May 11.

Barok Fajardo group

Kinilala ang mga napatay bilang sina Renato Bayot at Edgardo Aguilar. Ayon sa otoridad, sila ay kapwa kabilang sa mga itinuturing na high-value target ng kapulisan sa Laguna. Kilala din sila bilang miyembro ng notorious na drug sindicate na Barok Fajardo group.

Dalawang Miyembro Ng Sindikato Ng Droga, Patay Matapos Makipagbarilan Sa Mga Pulis Sa Laguna 2
Source: Dennis Datu

Ayon sa hepe ng Calabarzon na si Police Brig. Gen. Vicente Danao Jr. ang nasabing grupo ay sangkot hindi lamang sa pagbebenta ng ilegal na droga, ngunit maging sa pagnanakaw at kidnapping. Matagal na nilang tinutugis ang grupong ito at ngayon ay nahulog sa bitag ang dalawa sa mga miyembro nito.

Buy bust operation

Sa pahayag ni Danao, nagpanggap na bibili ng droga ang isa sa kanilang mga pulis upang mahuli ang mga ito. Kinagat naman ng nina Bayot at Agular ang pain ng kapulisan at binentahan ito. Nang huhulihin na ay mabilis na nakatakas ang mga suspek.

Nagkaroon ng habulan hanggang sa South Luzon Expressway o SLEX. Naharang ng mga Laguna police ang dalawa ngunit nakipagbarilan pa umano ang mga ito na siya nilang ikinasawi.

Nakalusot sa checkpoint

Narekober sa dalawang suspek ang 35 gramo na hinihinalang droga na sa tantiya ng mga otoridad ay nagkakahalaga ng mahigit P800,000 kasama ang ilang mga baril. Sa higpit ngayon ng seguridad dahil na rin sa ipinapatupad na Enhanced Community Quarantine o ECQ, ay nagawa pa ring makalusot sa checkpoint ang mga ito.

Ayon sa mga otoridad, nagpanggap ang dalawa na magdedeliver ng essential goods kung kaya sila nakadaan. Ayon kay Danao, dalawang miyembro na rin ng Barok Fajardo drug group ang nahuli at napatay noong nakaraang buwan lamang sa isang operasyon ng mga pulis sa Calamba.

Source: ABS CBN News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: