Press "Enter" to skip to content

Dalawang Musmos Na Bata, Binaboy Ng Kadugo At Kaanak Ng Mga Biktima

Lubos ang hinagpis ng kapatid ng dalawang bata matapos itong manawagan sa publiko na siya ay matulungan na papanagutin ang mga kaanak sa batas matapos nitong halayin ang dalawa niyang kapatid.

Pambababoy ng ka-anak

Di lubos maisip ni Mikee Dalanon Enclona na mismong sa puder pa ng kanilang Tatay ay nangyaring kababuyan ng mga ka-anak sa kaniyang dalawang kapatid. Kaya naman naglakas ng loob na ito na manawagan sa publiko upang magpa tulong na mapanagot sa awtoridad ang ginawang panghahalay sa kaniyang dalawang kapatid na babae.

Dalawang Musmos Na Bata, Binaboy Ng Kadugo At Kaanak Ng Mga Biktima 2

Ayon pa sa salaysay ni Mikee, kung hindi pa nagsumbong at nagsalita ang dalawa niyang minor-de-edad na kapatid, ay hindi pa nila malalaman ang ginawang kahayupan ng ka-anak.

Ayon ki Mikee,

“Good day sa mga fb friends ko humihingi ako ng tulong sa inyo na makarating kay sir RAFFY TULFO itong panawagan ko gusto ko lang mabigyan hustisya ang dalawa kong kapatid. minordi edad pa sila kung dipa nag confess yung kapatid ko di pa namin malalaman na ginahasa sila ng tiyuhin ng tatay ko at kapatid ng kabit ng tatay ko.”

Pangyayari

Sa salaysay ni Mikee, nag simula ang lahat ng mag hiwalay ang kanilang mga magulang at tumira ang kaniyang mga nakababatang kapatid sa bahay ng kanilang Tatay kasama ang pamilya ng kabit nito.

Dalawang Musmos Na Bata, Binaboy Ng Kadugo At Kaanak Ng Mga Biktima 3

Kaya naman nanlulumo silang mag-ina ng nakwento sa kanila ng kapatid na matagal ng panahon ng simulang gahasain sila ng tiyuhin ng tatay nila at kapatid ng kabit ng kinakasama ng kanilang ama. Linggid pa sa kaalaman ng marami, ang kaniyang kapatid ay anim na taong gulang pa lamang ng walang awa silang pinag pasapasahan ng mga kaanak at binaboy.

Ayon pa kay Mikee, nawalan na ng pag-asa silang mag-iina na mapanagot ang mga salarin sa kahayupan ginawa sa kaniyang mga kapatid.

Wika pa niya,

“Nawalan na ng pag asa nanay ko maparusahan yung mga ng gahasa sa dalawa kong kapatid at habang buhay nila dadalhin ang trauma yung kababuyang ginawa ng kamag anak ng tatay ko at kapatid ng kabit nya. 6year old lang sila nun na kaya ng kunsenya nyo yun naturingan kamag anak at nakikitira kau sa puder ng tatay ko ganun ginawa nyo tinanggalan nyo ng karapatang pang babae ung dalawa kong kapatid.”

Panawagan

Kaya naman wala itong nais kundi mapanagot ang mga ka-anak sa ginawa sa kaniyang mga kapatid. Nanawagan din ito kay Idol Raffy na sana sila ay matulungan dahil hindi na nila alam kung saan pa sila manghihingi ng tulong dahil maging sila ay pinag high Naan na ng loob na makamit ang hustisya.

Dalawang Musmos Na Bata, Binaboy Ng Kadugo At Kaanak Ng Mga Biktima 4

Sa ngayon ay grabe ang trauma na dinaranas ng kaniyang dlawang kapatid sa kamay ng mga ka-anak ng biktima.

Ani nito,

“Hindi pa marunong mag salita mga kapatid ko that time until now tandang tanda parin nila mga ginawa nyong kababuyan sa kanila.”

Dagdag pa niya,

“please po nag mamakaawa ako tulungan nyo kmi makamit hustisya para sa mga kapatid ko at alam ko hindi lang sila ang mga nabiktima nyo may mga mabibiktima pa kapag hinayaan lang sila sa kababuyan nila.”

Umaasa si Mikee na sa kaniyang post ay matulungan sila na makamit ang matagal ng pinapangarap na hustisya para sa kaniyang dalawang kapatid.

Good day sa mga fb friends ko humihingi ako ng tulong sa inyo na makarating kay sir RAFFY TULFO itong panawagan ko …

Posted by Mikee Dalanon Enclona on Monday, October 12, 2020

Source: Mikee Dalanon Enclona

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: