Press "Enter" to skip to content

Dalawang OFW Na Tumakas Na Nag Positibo Sa COVID-19, Nahanap Na! -OWWA

Manila, Philippines – Kinumpirma ngayong Lunes ng Administrator ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) natunton na nila ang dalawang overseas Filipino workers na naiulat na tumakas sa quarantine facility na kalaunan ay nagpositibo sa COVID-19.

Na-hanap na!

Sa isang panayam na kasama ang ilang concerned agencies, sinabi ni OWWA Administrator Hans Leo Cacdac sa kanilang pagpupulong na “under control” na ang sitwasyon.

Dalawang OFW Na Tumakas Na Nag Positibo Sa COVID-19, Nahanap Na! -OWWA 2

Photo credits: GMA Network

Ayon kay Cacdac,

“Ang sitwasyon ay under control. ‘Yung naiulat kahapon ay dalawang kaso at kakatapos lang po ng pagpupulong namin diyan at malinaw naman po na na-locate ‘yung dalawang naunang naiulat na tumakas. Na-trace naman po at na-locate.”

Dagdag pa nito, kaniyang sinabi na kasama sa naganap na pagpupulong sina Philippine Coast Guard commandant Admiral Joel Garcia, Defense Secretary Delfin Lorenzana at COVID-19 response Deputy Chief Implementer, Vince Dizon.

Ani niya,

“Ang mga OFWs naman po natin ay hindi tumatakas. The situation is under control at na-isolate na yung pinuntahan.”

Reklamo ng mga OFW

Samantala, tumanggi siyang magbigay ng komento sa iba pang impormasyon na may kaugnayan sa dalawang OFWs. Dagdag pa nito, kaniyang sinabi na tanging ang Department of Health (DOH) lamang ang makapagsasabi ng kabuuhang mga detalye ukol dito.

Matatandaan na may ilang mga stranded OFWs ang nagrereklamo na ukol sa patuloy nilang pagka tengga at pananatili sa quarantine facilities. Dagdag pa nito ang bagal ng aksyon sa pati-test umano sa kanila kaya ang iba ay lagpas na sa inirekomendang 14-day quarantine na inilagi sa mga quarantine facility ng bansa.

Dalawang OFW Na Tumakas Na Nag Positibo Sa COVID-19, Nahanap Na! -OWWA 3
Photo credits: GMA Network

Ani ni Cacdac

“Ang mahabang quarantine period ng mga OFW ay dahil sa chain of events.”

Ipinaliwanag niya na bago i-require ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang PCR-based tests para sa COVID-19 sa mag umuwing OFW noong Abril 27, pinayagan nang makauwi ang mga nakatapos na ng 14-day quarantine.

Mabagal na aksyon

Iginiit naman ni Cacdac na kaya umano na delayed ang paguwi ng ilang OFW’s na mga taga Visayas at Mindanao dahil sa kanselado na umano ang mga nasabing flight papunta sa mga lugar na nabanggit.

Ani niya,

“Problema yung mga returning to Visayas, Mindanao noong panahon na ‘yun walang flight. Nag-impose ng requirement like PCR tests etcetera. So it happened, ‘yung mga Visayas, Mindanao na lalo around that time na ipinataw ‘yung swab tests na requirement ay nakalagpas na ng 14 days because they are waiting for local government units to accept them.”

Dalawang OFW Na Tumakas Na Nag Positibo Sa COVID-19, Nahanap Na! -OWWA 4
Photo credits: Rappler

Samantala, kaniyang sinabi na humihingi ng test results ang mga lokal na pamahalaan bago tanggapin ang mga uuwing OFW.

Ayon ki Cacdac,

“From May 5 onwards, we have been waiting for the results. Yung mga dati nang… VisMin Lalo na lumagpas na sa 14 days, tumatakbo na rin ang kanilang araw. Lumolobo na ‘yung kanilang pananatili doon.”

Mula sa impormasyon ni Coast Guard commandant Admiral Garcia, umabot na sa 28,000 ang naghihintay ng test results.

Dalawang OFW Na Tumakas Na Nag Positibo Sa COVID-19, Nahanap Na! -OWWA 5
Photo credits: Rappler

Ani niya,

“As of today, we started Friday. Medyo naantala ng bagyo over the weekend. Meron na tayong mga 600 na na pauwi. This is ongoing. Meron tayong barko pauwi ng Iloilo at Bacolod. Three hundred ang isasakay doon. At the end of this day, we will reach the 1,000 mark.”

Sinabi pa ni Cacdac na nasa 7,500 mula sa 8,500 OFWs na nananatili sa quarantine facilities sa ilalim ng OWWA ay maaari nang makauwi.

Source: GMA Network

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: