Press "Enter" to skip to content

Dalawang Taong Nasunog Sa Bus Kinilala, Ang Isa Rito’y Suspek!

Dalawang katao ang nam4tay at 4 na sugatan nang masunog ang isang bus na sinasakyan nila sa Fairview, Quezon City nitong tanghali ng Linggo, January 3.

Pagkakakilanlan ng nasawi

Kinumpirma ng QC Bureau of Fire Protection ang pagkam4tay ng dalawang indibidwal sa nasunog na bus nitong Linggo.

Image may contain: one or more people and outdoor
Photo Credits: GMA News

Ang isa sa dalawang nasawi ay ang konduktorang si Amelene Sembana, habang ang isa nama’y ang pasaherong lalaking hindi pa nakikilala.

Pagliyab ng sasakyan

Ang nasunog na bus ay nasa Pearl Drive, Commonwealth Avenue nang mangyari ang nasabing insidente.

Batay sa isang video na inupload ng nakasaksi, labis ang pagliyab ng apoy ng kulay berdeng bus na huli nang naapula, sawi na ang kondoktor at isang pasahero.

Image may contain: one or more people, fire and outdoor
Photo Credits: Jeraecho Salinas

Ayon sa pahayag ni Valentino Obligasion, 45 anyos na driver ng Fairview Bus, may binuhos umano ang isang lalaking pasahero sa babaeng konduktora na naging sanhi ng pagliyab. Aniya,

“May nakaaway po yung konduktor na pasahero… Nung nakita na lang po, tumatakbo na yung konduktor ko, sinindihan siya nung pasahero… Dun na po nag-umpisa ang sunog.”

Pag-alpas sa sunog

Nang mangyari ang sunog, ang ilang mga pasahero ng bus ay nagawang mabasag ang mga bintana upang dali-daling makalabas sa nagliliyab na sasakyan.

Ayon pa sa ilang mga pasahero na masuwerteng nakalabas ng sasakyan, nagtalo umano ang konduktor ng bus at isang pasahero. Patuloy pa rin ang imbistigasyon sa nasabing insidente.

Source: GMA News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: