Press "Enter" to skip to content

Daluyan Ng Tubig Sa Calamba, Nagpositibo Sa Poliovirus!

Nag-positibo sa poliovirus ang isang daluyan ng tubig na pumapagitna sa Barangay Bucal at Barangay Halang sa Calamba City sa Laguna ayon sa resulta ng pagsusuri ng mga awtoridad noong Martes, ika-2 ng Hunyo, 2020.

Mga dating kaso ng polio

Maaalalang noong Setyembre 19, 2019 ay may naitalang pangalawang kaso ng poliovirus sa Pilipinas. Nangyari ito sa isang limang taong batang lalaki sa Laguna. Kaakibat nito, nagdeklara ng polio outbreak ang bansa.

Daluyan Ng Tubig Sa Calamba, Nagpositibo Sa Poliovirus! 2
Photo credit: Philstar

Ang creek

Ayon sa Facebook post ng Sangguniang Barangay ng Bucal, kumuha ng sample ng tubig sa Ligasong Creek, ang ilat o ligasong na pinagigitnaan ng Barangay Halang at Barangay Bucal. Ang sample na ito ay dinala sa Research Institute for Tropical Medicine o RITM upang masuri. Nagpositibo sa Poliovirus 3 ang sample ng tubig.

Makikita dito sa site map na ito ang lugar kung nasaan ang mismong daluyan ng tubig:

Daluyan Ng Tubig Sa Calamba, Nagpositibo Sa Poliovirus! 3
Photo Credit: Sangguniang Barangay ng Bucal Facebook page

Sabi ang ng pamunuang local ng Bucal:

“Kami po ay humihingi sa inyo ng lubos na pakikiisa na huwag munang bumaba (lumusong) o pumunta sa nasabing lugar para makaiwas sa ano mang ikasasama sa kalusugan. Siguraduhin po natin na hindi kontaminado ang ating iniinom na tubig at iwasan po na tayo ay makainom galing sa nawasa na hindi napapakuluan lalo’t higit sa mga bahayan na malapit sa nasabing lugar. Para na rin po sa karagdagang impormasyon, ito po ay agaran ng inaaksyunan. Maraming salamat po sa inyong pag-unawa. Mag-iingat po ang lahat.”

Humingi din sila ng tulong sa mga mamamayan:

“Kami po ay humihingi sa inyo ng lubos na pakikiisa na huwag munang bumaba (lumusong) o pumunta sa nasabing lugar para makaiwas sa anumang ikasasama sa kalusugan.”

Daluyan Ng Tubig Sa Calamba, Nagpositibo Sa Poliovirus! 4

Dagdag ng sanggunian:

“Siguraduhin po natin na hindi kontaminado ang ating iniinom na tubig at iwasan po na tayo ay makainom galing sa NAWASA na hindi napapakuluan lalo’t higit sa mga bahayan na malapit sa nasabing lugar.”

Paglilinaw

Nagbigay ang pamunuan ng Sangguniang Barangay ng Bucal ng paglilinaw. Dagdag pa nila, hindi kontaminado ng poliovirus ang tubig na galing sa Calamba Water District.

Source: ABS-CBN

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: