Press "Enter" to skip to content

Daming Nag Positive! Marikina Public Market, Dapat Ba Na Pansamantalang Isara?

Marikina City, Philippines – Tinatayang halos 30 katao na manggagawa sa Marikina City Public Market ang nag-positibo kamakailan noong sila’y lumahok para sa COVID-19 rapid mass testing. Pinaigting ngayon ni Mayor Marcelino Teodoro ang striktong pagpapa-tupad ng quarantine guidelines sa lugar.

Rapid Mass Testing

29 katao ngayon ang nagpositibo para sa corona virus 19 o Covid-19 ng ipinatupad ng siyudad na lumahok ang lahat ng manggagawa sa naturang pamilihan. Tinatayang halos dalawang libo na mangagawa ang nakikitang daraan sa testing na ito.

Daming Nag Positive! Marikina Public Market, Dapat Ba Na Pansamantalang Isara? 2
Photo Credit: Facebook –  Marikina Public Market

Ang 29 na mga nagpositibo ay pawang mga stall owners, porters, at vendors. Silang lahat ay nag-positibo sa COVID-19 at asymptomatic o positbo sa virus ngunit hindi makikita o mahahalatang nahawaan.

Stricter guidelines

Sa 2,000 na lumahok sa testing na ito ay may 66 na katao ang nagbigay ng reactive result o nagpakita ng sintomas ng virus ngunit hindi pa kumpirmado. Ilan sa mga nagpositibo ngayon ay naka-home quarantine at ang iba naman ay nakadestino sa iba’t ibang pacilidad ng siyudad.

Ani ni Teodoro,

“Itong 29 na ito, agaran nating dinala sa ospital upang doon sila ay ma-treat at ma-quarantine upang sa ganun, hindi na makahawa pa ng iba.”

Daming Nag Positive! Marikina Public Market, Dapat Ba Na Pansamantalang Isara? 3
Photo Credit: Facebook –  Marikina Public Market

Pina-igting ngayon ni Teodoro na limitahan ang pagbu-bukas ng mga pwesto at nag-mungkahi ng arawang pagbebenta. Tinitingnan din ang anggulo ng paglimita sa mga mamimili ngayong karamihan sa mga manggagawa ay nagpositibo.

Samu’t-saring reaksiyon

Ilan sa  mga tindera ngayon ang lubhang nalungkot at dahil sa mababang kita, at mas lubhang nabahala ng malaman na malilimitahan na ang papasok sa pamilihan. May mga ilang manggagawa din ang nakaka-intidi at nagpapasalamat na mas mabuting malimitahan ang mamimili kesa i-lockdown ang buong palengke.

Daming Nag Positive! Marikina Public Market, Dapat Ba Na Pansamantalang Isara? 4
Photo Credit: Facebook –  Marikina Public Market

Ani  ni Enchie Cruz isa sa mga nalulungkot sa mga pangyayari,

“Kakaunti ang mamimili. As in hindi na rin kami kumikita. Kumbaga minsan talo ka pa rin, paluwal ka pa rin doon sa inabono mong puhunan.”

Inihayag naman ni Teodoro na ito ang kabayaran upang maipatupad ang kaligtasan ng isa’t isa. Hinikayat parin ng mga ibang mamimili na puntahan parin ang pampublikong pamilihan.

Dagdag pa niya,

“Kung ang kapalit naman nito ‘yong kaligtasan ng pangkalahatan, palagay ko, kaunting kawalan sa kita o sa tubo ay acceptable kaysa sa isara ng buo o i-lockdown ang palengke. Ayaw nating i-lockdown ang palengke kaya nga hindi natin isinasara, naga-alternate system na lang tayo.”

Pangkalahatang paglilinis

Pansamantalang isinarado ang pampublikong pamilihan ng Marikina para sa isang massive disinfection process. Inilalahatla naman ni Marikina Public Administrator Mon Viliran na isakatuparan ang schedule system para sa mga mamimili at tindera para sa kaligtasan ng nakararami.

Daming Nag Positive! Marikina Public Market, Dapat Ba Na Pansamantalang Isara? 5
Photo Credit: Facebook –  Marikina Public Market

Ibinahagi din ni Teodoro na ang proyektong mass testing ay tumututok sa Industrial business at Manufacturing Sectors. Pilit na pinapa-igting ang pagkaka-isakatuparan nito ng nailathalang halos 245 na ang kumpirmadong kaso ng Covid-19 sa siyudad at tinatayang 89 ang nasa active cases at 27 na katao na ang nasawi dulot ng corona virus.

Source: GMA News Online

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: