Press "Enter" to skip to content

Darna Ng Pinas! Sports Car Na Red Ni Angel Locsin, Ibinebenta Na Para Sa Fund Raising Project

Bida ang 2015 Dodge Durango ng kapamilya actress na si Angel Locsin sa kanyang isasagawang fund raising project. Layunin ng aktes na ilaan ang mapagbebentahan nito para sa testing kits ng mga “underpriviledged” na mamamayan.

Shop & Share project

Una sa listahan ng ibebenta ang kanyang sports utility car sa kanyang proyekto na “Shop & Share”. Kasama niya sa proyekto ang iba pang malalaking bituin sa industriya ng showbiz tulad nina Dimples Romana, Bea Alonzo, Regine Velasquez, Dingdong Dantes, Joshua Garcia, at Anne Curtis.

Sa katunayan, isa rin sa inaabangan sa fund raising project ang mamahaling 2019 Chanel Cruise Boy North South Handbag ni Anne Curtis. Wala pang eksaktong petsa kung kailan sisimulan ang nassabing proyekto, ngunit siniguro ni Locsin na malapit na ito.

Layunin ng proyekto

Ang proyekto ay naglalayon na makaipon ng pondo upang makatulong sa mga kapwa Pilipino na kailangan sumailalim sa COVID-19 test.

“Shop & Share is dedicated to help our fellow Filipinos who need to be tested during this COVID-19 pandemic. With what we are able to raise, it is our aim to cover the expense for testing kits to the underprivileged who are affected by this global crisis. We pursue this mission humbly, with compassion and kindness in hopes of aiding the government in increasing testing for COVID-19 in our own little way.”

Sa naunang post ni Locsin, inihayag niyang hindi ito ang unang beses na ginawa nila ang proyektong ito. Noong 2009 unang inilunsad ang proyekto upang makatulong sa mga naging biktima ng bagyong Ondoy.

Paghikayat ni Anne Curtis

Hinikayat naman ni Anne Curtis ang kanyang mga kapwa artista na makibahagi sa nasabing proyekto.

Aniya, “To our fellow artist and colleagues, if you would like to be part of this, please don’t hesitate to reach out to us. We do hope you can join us as we all work together to help flatten the curve in the Philippines in our own little way.”

Source: Push ABS CBN

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: