Browse By

Dating Anchor Ng ANC, Host Na Ng Crafts Show

Photo Credits: Philippine Canadian Inquirer, Pinterest

Si Eliza Romualdez Valtos ay nakilala bilang isang ANC news anchor noong dekada 90. Sa ngayon, maliban sa pagiging isang maybahay at ina, isa na rin siyang certified burdadera at calladista.

Ang pandemya ang naging daan upang maisagawa ni Eliza ang kanyang mga arts and crafts ideas. Naging busy siya sa paggawa ng iba’t-ibang arts and crafts. Sa dami ng kanyang mga materials at tela na available, nakapaglikha sya ng beaded flower wreaths. Nakagawa rin siya ng mga sock dolls mula sa mga recycled na mga lumang medyas na mayroong mga positive messages.

Iba’t-ibang craft forms

Photo Credits: Philippine Star

Gumawa sya ng hand rosaries at bag charms na tinawag niyang “prayer express” beads. Ang mga lumang pahina ng phone directory naman ay ginawa niyang envelopes na may mga disenyong flora at fauna prints. 

Sa pagluwag ng lockdown sa bansa, nagawa din niyang ayusin ang kanilang attic na naglalaman ng mga terno mula sa maagang bahagi ng huling siglo hanggang sa 1990s.

Bilang isang hand-broidery enthusiast, nadiskubre nya ang halos nalimutan nang sining na callado. Ito ay isang tradisyonal na istilo ng pagbuburda kung saan hinuhugot ang mga sinulid mula sa isang partikular na area ng tela. Nahanap niya ang isang 80-anyos na calladista na nagturo sa kanya ng restoration lessons via texting. Sa ganitong pamamaraan, nagawa niyang ma-restore ang mga ternos.

Turning passion to business

Nag-umpisa si Eliza na gumawa ng mga face masks bilang regalo sa kanyang mga kaibigan na frontliners. Na-inspire din siyang gumawa ng mga “moving garden” face masks upang makapagdulot ng ngiti sa mga tao.

Photo Credits: Philippine Canadian Inquirer

Ang mga masks na likha ni Eliza ay hand-sculpted at hand-sewn upang maging matibay. Nakagagawa siya ng 3 hanggang 5 piraso ng masks sa isang araw. Kapag pinapahinga naman niya ang kanyang mga daliri mula sa paggawa ng masks, ginagawa naman niya ang mga order na cards and envelopes mula sa upcycled yellow and white pages.

Dahil na rin sa lagi niyang pag-post sa kanyang Facebook at Instagram accounts ng kanyang mga likha, marami nang nagkainteres sa mga ito na nagbigay daan sa kanyang pagbubukas ng one-woman business. Binuksan nya ang @mommylovesyou_crafts, kung saan niya itinatampok at binebenta ang mga disenyong kanyang nilikha.

Source: Philippine Star

Leave a Reply

Your email address will not be published.