Press "Enter" to skip to content

Dating Congressman At Pinuno Ng Kulto Na Si Ecleo Jr, Nahuli Sa Pampanga

Inaresto ng mga awtoridad ang dating congressman at Leader ng kulto na si Ruben Ecleo Jr. sa Pampanga, ayon sa ulat sa Dobol B sa News TV ni Ariel Fernandez. Ayon sa isang ulat ng pulisya na gumagamit ng pangalang Manuel Liberal, si Ecleo ay naaresto sa San Fernando, Pampanga nuong huwebes bandang 4:30 ng umaga.  Siya ay may warrant of arrest para sa graft na inilabas ng Sandiganbayan First Division.

Ang pagkakadakip

Naaresto si Ecleo kasama ang kaniyang 35-anyos na driver na kinilalang si Benjie Fernan Relacion. Inakusahan siya ng paglabag sa Presidential Decree 1829 o Penalizing Obstruction of Apprehension at Prosecution of Criminal Offenders. Ang dalawa ay dinala sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City para sa “pagsisiyasat at wastong disposisyon,” ayon sa ulat ng pulisya.

Dating Congressman At Pinuno Ng Kulto Na Si Ecleo Jr, Nahuli Sa Pampanga 2
Photo Credit: GMA News

Matatandang noong Abril 2012, si Ecleo ay nahatulan dahil sa pagpatay sa kanyang asawa noong Enero 2002 na si Alona Bacolod-Ecleo, na ang katawan ay natagpuan na nabubulok na sa isang bangin.

Habang buhay na pagkakakulong

Ang dating mambabatas, na ngayon ay 60 taong gulang ay nasintensyahan ng isang habang buhay na pagkakakulong o reclusion perpetua ng isang korte sa Cebu at inutusan na magbayad ng P25 milyon na pinsala sa pamilya ng kanyang yumaong asawa.

Dating Congressman At Pinuno Ng Kulto Na Si Ecleo Jr, Nahuli Sa Pampanga 3
Photo Credit: Philippine News Agency

Bago siya mahatulan sa pagpatay sa kaniyang asawa, ay nahatulan muna siya ng Sandiganbayan noong Oktubre 2006 ng 31 at kalahating taon na pagkakabilanggo dahil sa anomalous deal sa konstruksyon.  Si Ecleo ay pinuno ng Philippine Benevolent Missionaries Association, isang grupo na nakabase sa Dinagat Islands.

Ang pag papanggap

Ayon sa hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na si Police Major General Debold Sinas, si  Ecleo ay nasa ilalim ng pagsusubaybay ng mga pulisya ng anim na buwan bago siya nadakip.

Dating Congressman At Pinuno Ng Kulto Na Si Ecleo Jr, Nahuli Sa Pampanga 4
Photo Credit: Philippine National Police

Dagdag pa ni Sinas, kinailangan pa ng mga pulisya na magpanggap na garbage collector at mga manggagawa upang makalapit lamang sa dating mambabatas sa kadahilanang ito ay laging napapalibutan ng kaniyang mga tagasunod.

Bago pa man maaraesto si Ecleo, ay nag-alok ang gobyerno ng P2-milyong gantimpala para sa kaniyang pagkakadakip. Siya ang Number 1 Top Most Wanted Person sa Department of the Interior at listahan ng gobyernong Lokal.

Source: GMA News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: