Press "Enter" to skip to content

Dating Jeepney Driver Matagumpay Na Negosyante Na Ngayon

Bagamat natigil ang hanap buhay ng mga jeepney driver ng dahil sa pandemya, may ilan sa ating mga kababayan ang hindi naman  tumigil sa paghanap ng mga bagong pag kakakitaan upang mairaos ang pang araw araw. 

Tigil pasada

Dahil sa matagal na tigil pasada, marami sa ating mga kababayan ngayon ang nawalan ng pinagkakakitaan. Ngunit ang isang dating jeepney driver ang ngayon ay isa ng matagumpay na businessman katuwang ang kaniyang may bahay.

Dating Jeepney Driver Matagumpay Na Negosyante Na Ngayon 2
Photo credit: GMA News

Hindi huminto ang pagnanais ni Neil Serrano isang dating jeepney driver, na maibigay ang maayos na buhay para sa pamilya sa gitna ng pagsubok na kinakaharap na pandemya. Katuwang ang kaniyang misis, ay nagtagumpay siya at patuloy na umusbong ang kanilang negosyo na Yema Spread.

Iba ibang hanap buhay

Si Niel ay galing sa ibat ibang hanap buhay, dati rin siyang nag lako ng mga saging, naging ahente ng tsokolate, naging rider ng isang delivery courier at jeepney driver. Lahat ay pinasok niya upang matustusan ang pangangailangan ng kaniyang pamilya.

Dating Jeepney Driver Matagumpay Na Negosyante Na Ngayon 3
Photo credit: GMA News

Ayon kay Neil, bago pa man magsimula ang lockdown nuong marso, ay nakapagtabi pa siya 10 libong piso ngunit dala ng pagkawala ng pagkakakitaan at araw araw na gastos ay unti unti itong naubos . Kaya ng makapanuod siya ng video ng pagluluto ng yema ay naisipan niyang gumawa nito at ibenta.

“Syempre nagugutom kami, kailangan gumawa ka ng paraan para mabuhay. Lahat ng tao nagtitinda bakit di ka magtinda” ayon kay Niel. Naging katuwang niya ang kaniyang asawa, na nahinto sa trabaho ng dahil sa pandemya.

1k na naging 40k

Sa ngayon ay kumikita na si Neil ng 40 libong piso kada buwan, mula sa puhunang 1 libo na ipinangutang lamang. “Sobrang thumbs up po talaga ako sa pagiging madiskarte ni Neil, wala siyang hindi kayang gawin” ayon sa kaniyang asawa.

Dating Jeepney Driver Matagumpay Na Negosyante Na Ngayon 4
Photo credit: GMA News

Nang umangat si Neil, ay hindi niya nakalimutan ang kaniyang mga kaibigan at mga dating kaklase na tulungan. Sa katunayan pa nga ito ay naging resseller niya ng kaniyang Yema spread. Lubos naman ang pasasalamat ng kaniyang mga kaibigang driver sa kanyang walang sawang pagabot ng tulong, dalangin nila na patuloy na magtagumpay si Neil sa kaniyang negosyo.

Dagdag pa ni Neil, “Sa mga kasamahang kong driver, huwag kayong mawawalan ng pag asa matatapos rin to magtiwala tayo sa Diyos. Matatapos ito sabay sabay tayong makakaahon dito.”

Source: GMA News

Panuorin dito ang buong detalye:


Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: