Pumanaw na ang dating Manila Mayor na si Alfredo Lim sa edad na 90 anyos nitong Sabado, Agosto 8.
Kumpirmado
Ayon kay Super Radyo dzBB reporter Sam Nielsen, isang kapwa journalist ang nagkumpirma ng pagpanaw ng dating Mayor. Ang nasabing journalist ay itinuturing na anak-anakan ni Lim noong nabubuhay pa. Dakong 5:41 ng gabi ng matanggap text message na naglalaman ng pagkumpirma.

Sa kasalukuyan, wala pa malinaw na dahilan ng pagpanaw ni Lim. Hindi pa naglalabas ng pormal na pahayag ang naulilang pamilya ng dating Mayor. Ayon sa isang source, pumanaw si Lim bago mag ala singko ng gabi.
Positibo sa COVID-19
Nitong Biyernes lamang ay kinumpirma ng kasalukuyang Manila Mayor na si Isko Morena na nagpositibo si Lim sa pandemic na COVID-19. Kasabay nito ay pinabulaanan nito ang kumalat na balita na noon pumanaw na ito.

Ang paglilinaw ay ginawa ni Mayor Isko kasabay ng kanyang pag-uulat ng bilang ng nagpositibo, gumaling at namatay sa COVID-19.
Ayon kay Mayor Isko, “Siya po ay kumpirmadong may COVID-19 pero mali po yung napabalitang siya po ay patay na. Mali po yun.”
Isinugod sa ospital si Lim dahil sa paglala ng kalagayan nito nitong Biyernes. Humingi rin ng dasal ang kanyang apo na si Manila District 1 Councilor Nino dela Cruz sa para sa mabilisan nitong paggaling.
Pagsisilbi sa bayan
Si Lim ay nagsilbi bilang direktor ng National Bureau of Investigation (NBI) noong 1989 hanggang 1992.

Taong 1992 naman ng unang manalo bilang Mayor ng Maynila ang dating police official na si Lim at nagsilbi hanggang taong 1999. Naging secretary naman siya ng Department of Interior and Local Government (DILG) noong 2000 hanggang 2001. Pagtuntong ng taong 2004, naging isang senador ng bansa si Lim na umabot hanggang taong 2007.
Taong 2007 naman ng muli tumakbo at manalong muli si Lim sa pagka-Mayor ng Maynila at natapos ang kanyang panunungkulan noong taong 2013.
Source: Philippine Star
Be First to Comment