Hinuli ng mga pulis si dating Senador Jinggoy Estrada habang namimigay ng relief goods sa San Juan. Ito ay dahil umano sa paglabag nito sa quarantine protocol.
Relief goods
Nagulat ang mga residente ng Salasan, San Juan ng biglang dumating ang mga pulis at hinuli ang dating senador ngayong araw ng Linggo, May 3. Kasalukuyan itong namimigay ng relief goods sa mga residente na puntahan ito at dakpin.

Ayon kay San Juan Mayor Francis Zamora, nakatanggap siya ng tawag mula sa pulisya na nagsasabing hinuli si Estrada dahil sa paglabag umano nito sa ECQ protocol. Ayon umano sa PNP, ilang araw ng namimigay ng ayuda ang nasabing dating senador ng walang kaukulang permit.
Permit mula sa DILG
Sa paunang pahayag, sinabi ni Estrada na may suot naman siyang face mask at PPE habang namimigay ng ayuda sa mga residente. Ngunit ayon kay Zamora, hindi nakipag coordinate si Estrada sa sa lokal na pamahalaan kung kaya ito hinuli ng mga pulis.

Paliwanag ni Zamora, hindi siya ang nag utos na hulihin si Estrada. Simula umano ng ipatupad ang lockdown, minomonitor na sila ng IATF, DILG, at PNP tulad ng ginagawa sa ibang lungsod. Mahigpit na tagubilin sa mga mamimigay ng relief goods na siguraduhing may certificate at quarantine pass mula sa DILG bago mag ikot sa lungsod.
May sariling tao umano ang mga nasabing ahensya na nag iikot sa kanilang lugar upang siguruhin na natutupad ang protocol. Ito ay para mapanatili ang kaayusan at social distancing habang namimigay ng ayuda.
Makipag coordinate dapat
Depensa pa niya, kung nakipag coordinate lamang sana si Estrada ng maayos sa kanilang opisina ay hindi sana ito nangyari. Katunayan, ng minsang humingi ng permit ang anak nito sa kanilang opisina ay agad umano itong pinagbigyan.

Sa kasalukuyan, nasa istasyon ng pulis si Estrada para sa imbestigasyon. Hindi pa rin muna ito nagbibigay ng opisyal na pahayag ukol sa pagkaka aresto sa kanya.
Narito ang video ng paghuli:
Be First to Comment