Press "Enter" to skip to content

Dating Senador Ramon Revilla Sr., Pumanaw Na

Pumanaw na ang dating aktor at senator na si Ramon Revilla Sr. sa edad na 93 yrs. old ngayong araw ng Biyernes, June 26, 2020. Ayon sa kanyang anak na si Ramon “Bong” Revilla Jr. namatay ang kanyang ama dahil sa heart failure.

Ang pahayag

Nag post ng mahigit isang minutong facebook live video si Sen. Bong Revilla habang idinideklara ang pagkatamay ng kanyang ama sa kanilang tahanan. Makikita na maraming tao kabilang ang ilang angkan ng Revilla at mga medical practioner tulad ng nurse at doctor.

Dating Senador Ramon Revilla Sr., Pumanaw Na 2
Photo Credit: Coconuts.co

Nakiusap si Bong na ipagdasal ang kaluluwa ng kanyang ama. Nagpasalamat din sya sa mga taong nakikiramay sa kanilang pamilya.

Ang karamdaman

Ilang beses nang nagpa balik balik sa ospital si Revilla Sr. dahil sa maraming karamdaman, isa na dito ang sakit sa puso. Dumaan na siya umano sa heart operation noong taong 2017.

Dating Senador Ramon Revilla Sr., Pumanaw Na 3
Photo Credit: Inquirer

Nakapag celebrate pa ng father’s day ang Revilla Clan sa bahay ng kanilang ama habang naka ventilator ito.

Ang naiwan

Ayon sa father’s day post ni Bong Revilla marami siyang magagandang memories kasama ang ama. Si Revilla Sr. ay dating aktor at kilala bilang hari ng agimat. Nanungkulan din sya bilang isang senador taong 1992 – 2004.

Dating Senador Ramon Revilla Sr., Pumanaw Na 4
Photo Credit: RMN.PH

Ang burol ay gaganapin sa Revilla compound – 305 Aguinaldo Highway, Bacoor City, Cavite, simula alas dos ng tanghali sa Sabado, June 27. Ang pamilya Revilla ang nakiusap sa publiko na bigyan sila ng panahon na makapagluksa ng pribado.

Narito ang video ng Facebook live na pinost ni Bong Revilla.

Posted by Ramon Bong Revilla, Jr. on Friday, June 26, 2020

Source: Facebook Page Bong Revilla

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: