Press "Enter" to skip to content

Deadma Lang! Hiling Ng DOLE Na Deportation Para Sa Kontrobersyal Na OFW, Tinanggihan Ng Taiwan

Tinanggihan ng gobyerno ng Taiwan ang balitang humihiling ang Pilipinas na ideport ang kontrobersyal na caregiver na si Elanel Ordidor. Ito ay kaugnay ng kumalkalat ng video kung saan tinutuligsa ng nasabing OFW si Pangulong Rodrigo Duterte.

Freedom of speech

Sa isang news conference, inihayag ni Ministry of Foreign Affairs (MOFA) Spokesperson Joanne Ou, na ang Taiwan ay demokratikong bansa. Lahat ng mga foreign workers ay may pantay na karapatan tulad ng kanilang mamamayan maging sa “freedom of speech”.

Deadma Lang! Hiling Ng DOLE Na Deportation Para Sa Kontrobersyal Na OFW, Tinanggihan Ng Taiwan 2

Ito ang sagot ng Taiwan sa lumalabas na balita na humihiling ang DOLE na ideport si Ordidor pauwi dito sa bansa upang harapin ang kasong cyberlibel na isinampa laban sa kanya. Matatandaang binisita ng opisyal ng DOLE si Ordidor sa kanyang pinapasukan upang “paalalahanan” sa maari niyang harapin dahil sa pagtuligsa niya sa gobyerno ng Pilipinas.

Legal process

Ani Spokesperson Ou, dapat sundin ng Pilipinas ang legal na paraan sa pamamagitan ng bilateral judicial assistance channel. Ito ay kung talagang nilabag ni Ordidor ang batas ng Pilipinas.

Dagdag pa ni Ou, maging ang iba pang bansa ay dapat irespeto ang kanilang patakaran. Walang sino man ang may karapatang gipitin ang pinay OFW, maging ang kanyang employer o labour broker.

Deadma Lang! Hiling Ng DOLE Na Deportation Para Sa Kontrobersyal Na OFW, Tinanggihan Ng Taiwan 3

Ayon kay Ou, itinanggi ng DOLE ang kumakalat na balita ng pagpapadeport. Ngunit sa isang panayam sa Spokesperson ng Malacanang na si Harry Roque, sinabi niya na titingnan ng pamahalaan ang insidenteng ito.

Walang takot

Sa inilabas na bagong video ni Ordidor, sinabi niya na hindi siya natatakot sa banta ng sino man laban sa kanya. Aniya, wala siyang sinabing kasinungalingan at wala din siyang pinapakalat na maling impormasyon.

Deadma Lang! Hiling Ng DOLE Na Deportation Para Sa Kontrobersyal Na OFW, Tinanggihan Ng Taiwan 4

Handa umano siyang ipagpatuloy ang kanyang laban dahil ito sa para sa bansa. Hindi rin niya hinihiling ang suporta maging ng kanyang mga anak at iba pang mga kamag anak. Itinanggi rin niya ang kumakalat na balita na may “malalaking grupo” ang humahawak sa kanya kung kaya malakas ang loob niyang kalabanin ang gobyerno ng Pilipinas.

Source: The Star

One Comment

  1. Zyra jho Zyra jho April 29, 2020

    Diport na yan anf taas ng tama nya pangulo pa ang portarya nya bigyan duseplina ang mga yan para di gayahin ng iba

Leave a Reply

%d bloggers like this: