Press "Enter" to skip to content

Defense Chief: Handa Na Ang Metro Manila Na Mag-GCQ Muli

Ayon kay Defense Chief Delfin Lorenzana, handa na ang Metro Manila na i-lift ang lockdown matapos itong ibalik sa dalawang linggong Modified Enhanced Community Quarantine o MECQ. Ang MECQ ay ipinatupad bunsod ng request ng mga health workers na “time out” sa lumalalang kaso ng coronavirus sa bansa.

Bumababang kaso

Ayon kay Lorenzana, bumababa na aniya ang reported cases sa bawat araw na kung saan ay higit tatlong libo na lamang sa isang araw. Higit na mas mababa ito kumpara sa anim na libong kaso na naitatala bago pa man maipatupad ang General Community Quarantine o GCQ.

Defense Chief: Handa Na Ang Metro Manila Na Mag-GCQ Muli 2

Handa na

Sa tanong ng ANC sa chairman ng National Task Force Against Covid-19 kung handa na nga ba ang Metro Manila na i-lift na ang lockdown, positibo ang sagot nito na handa na ang Kamaynilaan.

Defense Chief: Handa Na Ang Metro Manila Na Mag-GCQ Muli 3

Aniya,

“I think we are ready to go down.”

Dagdag pa nito,

“We cannot continue with the MECQ kasi nga alam na natin kung nasaan iyong areas na may infection. Iyon ang tutukan natin so that the others can go to work,”

Time out

Matatandaang nagrequest ng “time out” ang mga healthcare workers matapos ang tuloy tuloy na paglobo ng mga kaso ng covid sa Metro Manila. Liban pa sa Kamaynilaan ay nilockdown din ang apat na probinsyang nakapaligid rito. Bunsod din nito ay ang nagkakaubusan nang availability ng hospital beds sa mga ospital na syang nagdudulot sa mga ito na hindi na pagtanggap pa ng mga pasyente.

Mahabang lockdown

Ayon pa kay Lorenzana, aalamin ng otoridad ang villages o street na may mga kaso ng covid na syang tututukan at ilolockdown. Ito ay isang paraan para hindi ilockdown ang buong Metro Manila. Dagdag pa nito, hindi na kakayanin pa ng marami ang mahabang panahon ng lockdown dahil marami ang magugutom bunsod ng kawalan ng kita.

“Hindi puwedeng lockdown na lang tayo nang lockdown dahil baka mas maraming mamatay sa gutom kaysa sa COVID kung walang trabaho ang mga tao,”

Source: ABS CBN News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: