Browse By

Department Of Agriculture Dapat Kumilos Laban sa Price Increase ng Fertilizer, Sabi Ni Zubiri

Dapat ng labanan ng Department of Agriculture ang pagtaas ng presyo ng abono upang matugunan ang pagdaing ng mga lokal na magsasaka, ayon kay Senate Majority Floor Leader Miguel Zubiri noong Lunes.

Photo Credits: Inquirer Twitter

Mga Hinaing

Sa isang salaysay, pinaabot ni Zubiri ang mga hinaing ng magsasaka sa kanilang minsan ay wala ng kinikita dahil sa patuloy na pagtaas ng mga abono na labis ng nakakaapekto sa kanilang kabuhayan.

Ayon pa kay Zubiri dapat tulungan ang mga magsasaka na mabalanse ng mga ito ang pagtaas ng halaga ng produksyon ng palay laban sa mababang kita ng kanilang mga produkto.

Habang, marami naring kooperatiba ng mga magsasaka ang lumapit sa kanya upang humingi ng tulong dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng abono, ayon kay Zubiri.

“Ang baba na nga ng benta ng produkto nila, tapos ang mahal pa ng fertilizer. And with no support from the government, hindi na po talaga sila kikita.”

-Senate Majority Floor Leader Miguel Zubiri 
Photo Credits: Radyo Inquirer

Layunin

Samantala, ang maaaring dahilan ng pagtaas ng presyo ng abono ay ang malaking pangangailangan ng buong mundo, ayon naman kay Fertilizer and Pesticide Authority Executive Director Wilfredo Roldan.

Nabatid din na halos dumoble na ang presyo ng mga abono sa merkado.

“Hindi pa nga nakaka-recover ang mga magsasaka natin, lalo pa silang malulugi sa presyo ng farm input. And of course, that will affect the whole chain. It will put our farmers out of business, and it will definitely set us back in our efforts to become more self-sufficient in our production. Aasa na naman ba tayo sa imports?” tanong ng senador

-Senate Majority Floor Leader Miguel Zubiri 

Sa kabila nito hiniling ng senador na ang Department of Agriculture na makipag-tulungan upang makontrol ang pagtaas ng presyo ng abono ay dapat gawing lokal ang produksiyon ng abono sa bansa. Itinuturing pa naman na ‘agricultural country’ ang bansa ngunit malaking importer ng abono ang Pilipinas. 

“Sa ngayon, kinakailangan muna na mag import ng abono para sa ating mga magsasaka,” sabi ni Zubiri. Pwedng maghanap ng mga abono na mas mura ang Department of Agriculture o alternatibong paraan para makatulong sa mga lokal na magsasaka at makatawid sa kanilang kinahaharap na krisis sa ngayon.

Source: Inquirer

3 thoughts on “Department Of Agriculture Dapat Kumilos Laban sa Price Increase ng Fertilizer, Sabi Ni Zubiri”

Leave a Reply

Your email address will not be published.