Press "Enter" to skip to content

Department Of Agriculture, Naglaan Ng P1-B Na Tulong Pinansyal Para Sa Mga Magsasaka Sa Western Visayas

Sa ilalim ng Rice Resiliency Project (RRP) at sa pamamagitan ng Bayanihan We Heal as One Act, nakapaglaan ang Department of Agriculture ng P1.06 billion na tulong pinansyal para sa mga magsasaka sa Western Visayas upang madagdagan ang produksyon ng bigas sa taon na ito.

Ang proyekto

Inaasahan ng Department of Agriculture (DA) na madagdagan ng 10% mula noong nakaraang taon ang produksyon ng bigas sa Western Visayas sa pamamagitan ng pagbibigay suporta sa mga magsasaka roon. Ayon kay Agriculture Regional Executive Director Engr. Remelyn Recoter mula sa isang panayam noong Biyernes, sa ilalim ng Bayanihan We Heal as One Act ay nakapaglaan sila ng P 1.06 billion na tulong pinasyal.

Department Of Agriculture, Naglaan Ng P1-B Na Tulong Pinansyal Para Sa Mga Magsasaka Sa Western Visayas 2
Photo Credit: Panay News

Tatlong nakapailalim na proyekto sa Rice Resiliency Project (RRP) ang naipatupad sa rehiyon, ang mga ito ay ang Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF), ang Expanded Inbred Rice Production,at ang Expanded Hybrid Rice Production.

Tulong na ibinigay

Ang regional office ng kagawaran ay nakakuha ng mga binhi(seeds) na angkop sa panahon ng tag-ulan at ito ay aprubado ng National Seed Industry Council (NSIC). Ang mga pataba naman ay inasikaso ng central office ng kagawaran.

Nakapaglaan na ng 59,756 bags na inorganic na pataba para sa mga RCEF Beneficiaries bilang pandagdag sa mga binhi (inbred seeds) na ipinamahagi na may kapasidad na sakop na 179,878 ektarya ng lupa. Sa kabilang banda, ang mga nakapailalim sa Expanded Inbred Rice Production ay may binhi ( certified seeds ) na tinatayang makakasakop ng15,000 ektarya na taniman at may 30,000 bags na pataba.

Department Of Agriculture, Naglaan Ng P1-B Na Tulong Pinansyal Para Sa Mga Magsasaka Sa Western Visayas 4
Photo Credit: Agrochemical News

May iba pang ipinamahagi na mga binhi ito ay ang good seeds o home-saved seeds at mga hybrid seeds, sa kabuuan may tinatayang kapasidad ito na sumaklaw sa 100,808 ektarya ng lupa, at kabuuan na 305,148 bags ng pataba.

Ang inaasahan

Ayon kay Recoter, halos nasa 72% na mga binhi at pataba na inalaan sa mga rehiyon ang naipadala. Inaasahan nila na makumpleto ang pagpapadala ng mga ito sa pagtatapos ng buwan ng Hulyo. Halos nasa 153, 000 ng mga ito ang naipamigay na sa 75,000 na mga magsasaka.

Ang pamimigay ng certified seeds ay kumpleto na sa Guimaras at Capiz na nasa 70-71% na ang nabigay sa mga magsasaka, habang ang mga hybrid seeds ay patuloy pa ang pamamahagi. Inaasahan ni Recoter na umabot ito ng 80% sa pagtatapos ng buwan, ito ay bahadyang naantala dahil hinahanda pa ng mga magsasaka ang mga lupain dahil huli nang nagsimula ang panahon ng tag-ulan.

Dagdag produksyon

Ayon pa kay Recoter kung makikisama ang panahon, nakikita nila na madadagdagan ng 200,000 metric tons ang produksyon sa taong ito mula sa 2.077 million metric tons noong nakaraan. Sa ngayon, ang rice sufficiency level ng rehiyon ay nasa 117%.

Department Of Agriculture, Naglaan Ng P1-B Na Tulong Pinansyal Para Sa Mga Magsasaka Sa Western Visayas 6
Photo Credit: Abante TNT

Ang pagtaas ng produksyon ng bigas sa rehiyon ay makakadagdag sa kabuuang produksyon ng bansa, sa ngayon ito ay may 11%-12% na bahagi na nabibigay. Ang ganitong kalaking pagtulong sa mga magsasaka ay unang palang nayari doon ay dahil dito mas mapapababa ang gagastusin, ito rin ay makakatulong sa Pilipinas na may hinaharap na pandemya na hindi na muna umasa sa mga import galing sa ibang bansa.

Source: Philippine News Agency

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: