Press "Enter" to skip to content

DepEd: Cash Allowance Ng Mga Guro, Matatangap Na Ngayong Hunyo

Manila, Philippines – Ayon sa Department of Education nitong Lunes, nakatakdang makatanggap ng one-time P3,500 na cash allowance ang mga guro na magagamit sa anumang teaching-related expenses sa buong school year.

Cash allowance ng Guro

Pahayag ni Undersecretary Annalyn Sevilla sa isang virtual press briefing, ang nasabing cash allowance na dating kilala bilang “chalk allowance,” sa pagbili ng teaching supplies at iba pang kagamitan para sa School Year 2020-2021.

DepEd: Cash Allowance Ng Mga Guro, Matatangap Na Ngayong Hunyo 2
Photo Credits: Manila Bulletin

Ani niya,

“This is an additional benefit. It’s budgeted. It is ready for release. We are just waiting for the guidelines on the use of the cash allowance kasi may idadagdag lang po kami na provision.”

Plano para sa learning community

Dagdag pa ni Sevilla, hindi na rin kailangang i-liquidate o i-report ng mga guro ang cash allowance. Ibibigay ang cash allowance kasabay ng sahod ng mga guro para sa Hunyo.

DepEd: Cash Allowance Ng Mga Guro, Matatangap Na Ngayong Hunyo 3
Photo Credits: Manila Bulletin

Sabi niya,

“We are transitioning to the learning continuity plan. Instead po kasi dati ang tawag dito ‘chalk allowance,’ pambili ito ng chalk ng mga teachers na nag-start ng P500 then, later on, every year, nadadagdagan ‘to, including all other materials and needs of the teachers.”

Samantala, sinabi niyang nakikipag-ugnayan ang DepEd sa Department of Budget and Management tungkol naman sa communication allowance ng mga guro.

DepEd: Cash Allowance Ng Mga Guro, Matatangap Na Ngayong Hunyo 4
Photo Credits: Manila Bulletin

Winika niya,

“Nagpapaalam po tayo dahil may bagong paraan ng training dahil ‘di na nagbiya-biyahe ang mga guro, madalas na ginagamit ay internet or WiFi connection.”

Libreng internet para sa Guro at mag-aaral

Nagkakaroon na rin ng pag-uusap ang ahensya kasama naman ang Department of Information and Communications Technology at ilan pang telecommunication companies tungkol sa agreement sa internet subscription ng mga guro.

DepEd: Cash Allowance Ng Mga Guro, Matatangap Na Ngayong Hunyo 5
Photo Credits: CNN Philippines

Paliwanag ni Sevilla,

“In the long term, hintayin po natin ‘yon baka kasi ‘di na rin kailanganin ng gastusin dahil baka mayroon ng exclusive provider for education package ng mga online needs natin.”

Bilang tugon sa COVID-19 pandemic, binuro rin ng DepEd ang learning continuity plan upang matukoy ang ibang mga concerns tungkol sa pagsasagawa ng klase at pagpapatupad ng flexible learning options na maaaring magbigay ng pangangailangan ng mga estudyante.

Source: Manila Bulletin

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: