Press "Enter" to skip to content

DepEd Iniurong ang Pagbubukas ng Klase sa Oktubre 5

Sa Oktubre 5 na ang pagbubukas ng klase. Ito ang inanunsyo ni Department of Education Secretary Leonor Briones sa isang surprise online press conference nitong Biyernes. Ito ay kasabay ng pag-apruba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang rekomendasyon na ilipat ang pagbubukas ng klase na nauna ng itinakda sa Agosto 24.

Oktubre 5 sa MECQ areas

Ibinunyag ni Briones na gumawa siya ng proposal noong Agosto 6 na nagsasaad ng logistical limitations na dulot ng pagpapatupad ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila at mga probinsya ng Bulacan, Cavite, Rizal at Laguna.

DepEd Iniurong ang Pagbubukas ng Klase sa Oktubre 5 2
Source: dzar1026.ph

“We shall use the deferment to provide relief to the logistical limitations faced by the areas placed under MECQ and to fill in the remaining gaps of the school opening that we are currently addressing,”

Ayon kay Briones, mayroong milyon mag-aaral sa mga MECQ areas, na nasa ilalim ng pangalawa sa pinakamahigpit na community quaratine status hanggang Augosto 18.

Ang ibang mga lugar sa bansa ay inutusang magpatuloy sa kanilang paghahanda, kasama na ang orientations, dry runs at paghahatid ng learning resources.

Panawagan na ipagpaliban

Ang mga mambabatas at ilang mga grupo ay nanawagan sa pamahalaan upang ipagpaliban ang taong-pampaaralang 2020-2021 dahil ayon sa kanila hindi pa handa nag mga paaralan, mga guro at mag-aaral kahit sa blended learning na hindi nangangailangan ng face-to-face classes.

DepEd Iniurong ang Pagbubukas ng Klase sa Oktubre 5 3
Source: CNN Philippines

Noong Agosto 10, apat na araw matapos ipadala ang rekomendasyon kay Duterte, hindi na tumanggap ng panawagan sa pagpapaliban ng klase si Briones dahil umano nakakasa na ang paghahanda sa bagong paraan ng pagtuturo na kinapapalooban ng magkahalong internet-based sessions, radio at TV broadcasts, at nakaimprentang self-learning modules. Binanggit ni Briones sa mga reporters na kinailangan niyang hintayin ang final na desisyon ng pangulo.

Bakit Oktubre 5

Ipinag-uutos ng batas na ang taong-pampaaralan ay dapat magsimula ng hindi lalampas sa huling araw ng Agosto, ngunit isang hakbang ang pinirmahan ni Duterte noong Hulyo na nagbibigay pahintulot sa Pangulo na magtakda ng ibang araw ng pagsisimula ng klase kapag mayroong state of emergency o kalamidad.

DepEd Iniurong ang Pagbubukas ng Klase sa Oktubre 5 4
Source: Bombo Radyo

Isiniwalat rin ni Briones na ilang mga opisyal mula sa Calabarzon ang nauna ng humiling sa kanya na gawing Setyembre 7 ang pagbubukas ng klase sa Metro Manila. Nagdesisyon ang pamahalaan na gawing Oktubre 5 upang magkaroon ng sapat na ‘allowance’.

“We trust that this is the final adjustment of the school opening,” Briones said, adding that the country will be “more than ready” by October.

“Naniniwala kami na ito na ang huling pagpapaliban sa pagbubukas ng klase”, ayon kay Briones dahil ang bansa umano ay higit pa sa handa sa darating na Oktubre.

Ang mga opisyal ng DepEd ay nagkaroon ng pagpupulong kahapon upang talakayin ang huling araw ng taong pampaaralan na ayon sa batas ay hindi dapat lalagpas sa 220 class days.

Pribadong paaralan, maaring magpatuloy

Kahit na ang mga pribadong paaralan ay nasa ilalim rin ng regulasyon ng DepEd, paliwanag ni Briones, hindi pipigilan ng pamahalaan ang mga nakapagsimula na ng kanilang mga klase.

“Ang policy namin, kung nakaumpisa na sila e imonitor yan ng DepEd… pero hindi namin sasabihin na tumigil kayo.”

Sapat na panahon para makapaghanda

Nagkaroon ng sunud-sunod na pagdinig sa Senado at House of Representatives kung saan ang mga mambabatas ay umapela sa DepEd na ipagpaliban muna ang pagbubukas ng klase. Ang ilang grupo nga ay nanawagan ng ‘academic freeze’ o wala munang klase habang binabanggit ang epekto ng COVID-19 na naapektuhan na ang higit sa 153,000 katao dahil na rin sa lockdown restrictions na nakasagabal sa milyun-milyong mga trabaho.

DepEd Iniurong ang Pagbubukas ng Klase sa Oktubre 5 5
Source: Radyo Natin

Sinabi naman ni Senate Basic Education Committee Chairman Sherwin Gatchalian na ang pagpapaliban ay ang “most prudent course of action” at magbibigay sa DepEd ng panahon para makumpleto nito ang paghahanda.

DepEd hindi handa

Taliwas dito ang paniniwala ni ACT Teachers Representative France Castro na nagsabing ang pahayag ay isang “forced admission” at hindi pa talaga handa ang pamahalaan sa pasukan.

DepEd Iniurong ang Pagbubukas ng Klase sa Oktubre 5 6
Source: Rappler

“Health, and quality of education must not be sacrificed just for the sake of reopening the school year. The Department of Education must use this time to comprehensively study and implement concrete plans for the safe and quality reopening of schools that will be accessible by every child.”

“Ang kalusugan, at kalidad ng edukasyon ay hindi dapat isakripisyo para lamang sa pagbubukas ng taong pampaaralan. Kailangang gamitin ng Kagawaran ng Edukasyon ang oras na ito upang komprehensibong pag-aralan at ipatupad ang mga konkretong plano para sa ligtas at kalidad na muling pagbubukas ng mga paaralan na maa-access ng bawat bata. “

Source: CNN Philippines

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: