Press "Enter" to skip to content

DepEd, Handa Na Para Sa Pasukan Kahit May Banta Ng COVID19

Last updated on June 2, 2020

Ang Department of Education (DepEd) ay nakahanda na sa kauna-unahang remote enrollment na magsisimula ngayong araw, ika-1 ng Hunyo 2020.

Ang kasalukuyan

Naka bantay ang kawani ng edukasayon sa kaligtasan ng mga guro pati ng mga estudyante habang sinisigurado na di mapapabayaan ng mga magaaral ang kanilang edukasyon at sila ay makapagpatuloy ng pagaaral at makapag pag enroll sa paaralan ngayong taon ng 2020-2021.

DepEd, Handa Na Para Sa Pasukan Kahit May Banta Ng COVID19 2
Photo Credits: Philstar

Solusyon ng DepEd

Sinabi ng DepEd na ang remote enrollment ay makakatulong sa mga magulang at magaaral na limitahan ng pagpunta sa eskwelahan. Suportado din ng DepEd ang ibang kawani ng gobyerno at tinitiyak nila na susunod sila sa physical distancing na pinapatupad ng Department of Health (DOH) at Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF).

DepEd, Handa Na Para Sa Pasukan Kahit May Banta Ng COVID19 3
Photo Credits: Manila Bulletin

Plano sa mga estudyante

Sa ilalim ng remote enrollment system, imbes na pumunta ang mga magulang at estudyante sa eskwelahan, ang class advisers ng mga estudyante ng nakaraang school year ang makikipag ugnayan sa mga magulang at sila ang mag aasikaso sa enrollment ng bawat estudyante.

Sinabi ng DepEd na ang mga magulang o guardian ay maaari din makipagugnayan sa class advisers kung sakaling hindi nila na update ang kanilang mga numero o address at para masigurado ang enrollment ng kanilang anak. Meron din itinilagang tao ang DepEd para tumanggap ng tawag at sumagot sa mga katanungan ng mga magulang at guardian.

DepEd, Handa Na Para Sa Pasukan Kahit May Banta Ng COVID19 4
Photo Credits: One News

Ang mga opisina ng Deped ay magkakaroon ng listahan ng mga numerong pwedeng tawagan na kaugnay sa iba’t ibang ekswelahan na kanilang nasasakupan.

Para sa mga katanungan sa DepEd, tumawag sa mga numerong (02)8636-1663; (02) 8633-1942; 0919-456-0027; 0995-921-8461 o mag email sa action@deped.gov.ph. Pwede din bumisita sa www.deped.gov.ph/obe-be para sa mga madalas na katanungan ukol sa pagsisimulang ng klase ngayong taong 2020-2021.

Source: Philstar

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: