Press "Enter" to skip to content

Depektibo Daw Ang Pinadalang Testing Kits Ng China Sa Spain? Paano Ang Sa Pinas?

Ayon sa Spain, natuklasan nila na ang mga coronavirus testing kit na binili ng bansa mula sa China ay nagreresulta ng kakaunting bilang ng mga positive cases nito. Ang pagkakamali ay natuklasan habang ang Spain ay nasa sa malalang sitwasyon ng paglaban nila sa coronavirus outbreaks. Sila rin ang naitatalang pangalawa sa may dami ng bilang ng naiulat na pagkamatay.

Ang test

Ayon sa mga eksperto sa Microbiology ng bansang Spain, ang mga pagsusuri na ginawa nila gamit ang testing kit na galing sa China ay natuklasan na mayroon lamang na 30% sensitivity. Ibig sabihin 30% lamang na ang tamang nagreresulta na nadedetect nila na totoong positibo sa corona virus. Ayon pa sa kanila, ang mga testing kit ay dapat magkaroon ng sensitivity ng higit sa 80%. Sinabi ng US Centers for Disease Control and Prevention na ang mabilis na pagsusuri para sa trangkaso ay kinakailangang magkaroon ng 80% sensitivity.

Depektibo Daw Ang Pinadalang Testing Kits Ng China Sa Spain? Paano Ang Sa Pinas? 2
Shanghalist

Ang naturang testing kit ay naglalabas na mabilis na resulta. Ngunit sa pangkalahatan, ang testing kit na ito ay hindi gaanong ka-accurate kaysa sa iba. At maraming mga kumpanya sa buong mundo ang gumagawa ng mga ito.

Hindi accurate

Ang mga testing kit ay ginawa ng isang kumpanya ng Biotechnology ng China na tinawag na Bioeasy. May ibang mga bansa rin ang bumili ng mga test sa kumpanya hindi lamang ang Spain.

Pormal na inirekomenda ng mga eksperto sa Spanish Society of Infectious Diseases at Clinical Microbiology na huwag ng gumamit ng mga testing kit na ito. Ang mga health workers ay pinayuhan na gumamit ng iba pang mga testing kit na mas matagal ang resulta ngunit may accurate.

Depektibo Daw Ang Pinadalang Testing Kits Ng China Sa Spain? Paano Ang Sa Pinas? 3
ecomomiadigital

Si Fernando Simón, director of Spain’s health-emergencies coordination center, ay nagsabing noong Huwebes sa 9,000 na kanilang mga sinuri gamit ang nasabing testing kit, ay natuklasan nilang ang resulta ng test ay hindi accurate o hindi pare-pareho. Kaya napagpasyahan nilang ulitin ulit ang mga naturang test.

Pagkumpirma

Kinumpirma ng Health Ministry ng Spain na ayon sa isang tagapagsalita ng Carlos III Health Institute, isang public-health institute ang nagbalita ng kapalpakan ng nasabing test kit.

Depektibo Daw Ang Pinadalang Testing Kits Ng China Sa Spain? Paano Ang Sa Pinas? 4
The Guardian

Sinabi pa ng tagapagsalita na may mga bagong kargamento ng mga testing kit na ipinadala sa Madrid. Ang mga bagong testing kit na ito na aaprubahan ng gobyerno ay siyang ilalabas at gagamitin.

Ang pagkaantala

Ang mga pagkaantala mula sa pagpapatupad ng paggamit ng bagong testing kit ay higit na makakapinsala at magdudulot ng malaking abala. Tulad ng maraming bansa, abala sa pagsisikap ang Spain sa pagpigil sa naturang virus na pumatay sa higit sa 4,000 katao sa bansa noong mga nakaraang araw.

Paglilinaw

Sinabi ng Embahada ng China sa Spain noong Huwebes na ang mga suplay ng medikal na ibinibigay ng China sa ibang mga bansa ay hindi kasama ang mga produktong Bioeasy. Nagbigay rin ang China Ministry of Commerce sa Spain ng isang listahan ng mga manufacturers at ang Bioeasy ay hindi nakatala dito.

Depektibo Daw Ang Pinadalang Testing Kits Ng China Sa Spain? Paano Ang Sa Pinas? 5
Time

Idinagdag pa nila na hindi ito binigyan ng lisensya mula sa National Medical Products Administration ng China upang ibenta ang mga produkto mga mga ito.

Source: Business Insider

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: