Press "Enter" to skip to content

DFA: Passport Applications Magsisimula Na Ulit Sa Mayo Sa Ilang Mga Lugar!

April 25- Ayon sa Department of Foreign Affairs o (DFA), ito ay magsisimula ng muling tumanggap ng mga passport applications sa Mayo. Ito ay sa ilang mga lugar pa lamang na kabilang pa lamang sa General Community Quarantine.

Pagbabago

Sinabi din ng opisyal ng DFA kahit posible ng manumbalik ang nasabing passport applications, mayroon pa ding mga pagbabago sa kanilang protocol na kanilang ipatutupad. Ito ay alinsunod sa obserbasyon sa batas ng social distancing.

DFA applications resume in may
ABS-CBN

“Gusto ko lang po ipaalalahanan ang ating mga kababayan… hindi na po pupuwede ‘yung dating proseso,” ayon kay Foreign Affairs Undersecretary for Civilian Security and Consular Concerns Brigido Dulay.

Consular office

Dagdag pa niya sa kaniyang panayam sa Laging Handa public briefing, ang kanilang ibang mga consular office ay temporary ng nag-suspendi ang mga opisina kabilang ang sa Luzon noong Marso 17. Ito ay bunsad ng naging mawalawakang community quarantine, kung saan marami sa kanila ang naisama sa nasabing ECQ.

Samantala noong Abril 13, ay idineklara ng Pangulo ang kaniyang desisyon na tanggalin na ang lockdown sa ibang mga lugar at maari ng magsimula muli ang operasyon ng ibang mga sektor na kasama sa General Community Quarantine.

GCQ

Narito ang mga lugar na kabilang sa nasabing GCQ na magsisimula sa Mayo; Abra, Ilocos Norte La Union, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Marinduque, Camarines Sur, Capiz, Samar, Western Samar, Zamboanga Del Sur, Lanao del Norte, Misamis Occidental, Misamis Oriental, North Cotabato, South Cotabato, Maguindanao, Negros Occidental, Negros Oriental, Siquijor, Davao del Sur, Davao Oriental, Sultan Kudarat, Lanao del Sur, Apayao, Mountain Province.

Kasama rin ang Ifugao, Kalinga, Ilocos Sur, Batanes, Quirino, Aurora, Palawan, Romblon, Camarines Norte, Sorsogon, Masbate, Guimaras, Bohol, Biliran, Eastern Samar, Leyte, Northern Samar, Southern Leyte, Zamboanga del Norte, Zamboanga Sibugay, Bukidnon, Camiguin, Davao Occidental, Sarangani, Agusan del Sur, Dinagat Island, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Agusan del Norte, Basilan, Sulu.

Pamantayan

Sa mga nabanggit na lugar narito ang ilang mga pamantayan na kailangang sundin na obserbasyon na kasama sa pagbabalik ng operasyon.

  • Ang mga non-leisure na tindahan o sa mga mall ay bahagya na din magbubukas.
  • Ang mga institusyong pang-edukasyon ng mas mataas ay maaaring magpatuloy sa mga klase upang tapusin ang taon ng akademiko at mag-isyu ng mga kredensyal sa mga mag-aaral alinsunod sa mga alituntunin na maaaring ipalabas ng mataas na Komisyon ng Edukasyon.
  • Ang priyoridad at mahahalagang proyekto sa konstruksyon ay maaaring magpatuloy alinsunod sa mga alituntunin na maaaring mailabas ng DPWH;
  • Ang pampublikong transportasyon ay maaaring gumana sa isang pinababang kapasidad na naaayon sa mga alituntunin na maaaring mailabas ng DOTr;
  • ang mga lokal na yunit ng gobyerno ay dapat magpatupad ng curfew sa gabi para sa mga hindi manggagawa.
  • Ang mga paliparan at pantalan ay maaaring gumana nang walang kabuluhan bilang ang walang paggalaw na kilusan ng mga kalakal.

Rekomendasyon

Sa kabilang banda ay tinanggap naman ng Pangulo ang naging rekomendasyon ng Inter-Angency Task Force na iextend pa hanggang Mayo 15 ang nasabing ECQ. Kabilang ang iba pang mayroong matataas na bilang ng infected kasama ang; Benguet, Oriental and Occidental Mindoro, Albay and Catanduanes.

Habang ang apat na lugar naman na kabilang ang Tarlac, Benguet, Pangasinan, at Zambales ay maaring mabago ang status ng quarantine sa darating na Abril 30.

Panawagan

Nanawagan din si Dulay ng pang-unawa mula sa publiko dahil maaring magkaroon ng kabagalan ang mga proseso dahil sa obserbasyon ng pinahigpit na health protocols.

Narito naman ang iba pang karagdagang lugar na kabilang sa ECQ, ngunit sasailalim muli sa re-assest ay ang ilang mga lugar sa Visayas at Mindanao. Ito ay ang Antique, Iloilo, Aklan, Capiz, Cebu, Cebu City, Davao del Norte, Davao City and Davao de Oro.

Source: GMA

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: