Press "Enter" to skip to content

“Di Ka Patay Gutom Nung Lumipat Ka!” GMA Writer Na Si Suzette Doctolero, Sinupalpal Si Angel Locsin

Tila hindi nagustuhan ng batikang writer ng GMA na si Suzette Doctolero ang naging bugso ng damdamin ng ABS-CBN actress na si Angel Locsin. Ito ay matapos nitong supalpalin ang aktres sa pahayag nito na tila nangangahulugan na mahirap siya ng umalis siya sa Kapuso network.

Drama ni Darna

Ayon sa post ni Angel Locsin, sa kasalukuyan ay wala siyang kontrata sa Kapamilya network at wala din siyang shares sa nasabing kompanya.

“Di Ka Patay Gutom Nung Lumipat Ka!” GMA Writer Na Si Suzette Doctolero, Sinupalpal Si Angel Locsin 2

Aniya, “Wala akong shares sa ABS-CBN, wala akong kontrata pero itong mga taong ‘to sila yung nagbigay ng trabaho sa akin nung walang-wala ang pamilya ko.”

Bwelta ni Doctolero

Hindi naman natiis ni Doctolero ang tila OA na pahayag na ito ni Locsin. Aniya, naiintindihan naman niya ang damdamin ng aktres dahil sa pagkakasara ng nasabing istasyon. Subalit, sana ay huwag itong exaggerated sa pagdadrama sa social media upang makakuha ng suporta at simpatya.

“Di Ka Patay Gutom Nung Lumipat Ka!” GMA Writer Na Si Suzette Doctolero, Sinupalpal Si Angel Locsin 3

Aniya sa post, “A e I admire your courage po pero huwag exag. Kumita ka ng sobrang laki sa GMA. Malaki ang net worth mo nung lumipat ka sa kabila. Sa totoo lang tayo ha. Kaloka. Though baka naman din kasi sa sobrang silakbo lang ng damdamin mo kaya mo siguro nasabi ang tila yata kasinungalingan na padarama mo na ito right?”

“Pero gurl, we know at ng BIR na di ka patay gutom nung lumipat ka sa kabila, teh. But go lang sa laban, gurl. Wag lang oa sa mga statement.”

Utang na loob

Sumbat pa ni Doctolero, sila ang naging dahilan kung kaya naman nakilala at mapaghanggang sa ngayon ay kinikilala si Locsin bilang Darna. Kung kaya naman ay sana matuto naman itong lumingon sa pinanggalingan.

“Sa truth lang tayo, yes! BTW, ginawa ka naming Darna. Im glad na until now ay nakakabit pa rin sayo ang pagiging superhero.. Kaya sana konting lingon naman ng konti sa pinanggalingan at huwag magsisinungaling ha? Ang totoong hero ay may integredad at di liar, diba?

Sa ngayon, burado na ang kontrobersyal na Facebook post ni Angel Locsin. Subalit bago ito mabura ay marami na ang nakapag screenshot kung kaya naman hanggang sa ngayon ay pinagpipiyestahan pa rin ito sa social media.

Source: Krizette Laureta Chu

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: