Press "Enter" to skip to content

Di Man Lang Nakita Ang Pamilya – Dalawang OFW Frontliners Mula UAE At USA Ang Pumanaw Dahil Sa COVID

Dalawang Pilipino nurse na frontliners sa ibang bansa ang pumanaw dahil sa komplikasyon na dulot ng COVID-19 virus. Isa sakanila ay nagtatrabaho sa Dubai habang ang isa naman ay sa Los Angeles.

Hiling ng asawa

Ang unang pumanaw na Pilipino ay nakilalang si Marlon Jimenea nitong Miyerkules matapos nilang malaman na positibo siya sa virus. Siya ay 44 na at may naiwan na anim na taong gulang at ang asawa niya.

Hiling naman ng asawa niya na isang nurse din na sana ay mapayagan silang maiuwi ang labi ni Marlon sa Pilipinas.

Dagdag pa dito, naghihingi ito ng educational assistance para sakanilang anak.

Kulang sa kagamitan

Ang isa pang pumanaw ay ang 61-anyos na nurse na si Celia Lardizabal Marcos na nagtatrabaho sa Hollywood Prebytarian Medical Center sa LA noong pang 2004. Pumanaw ito noon Abril 17 dalawang araw matapos nilang mapagalaman na positibo siya.

Sa panayam sa anak niya na si John Marcos, sinabi nito na kahit pa daw positibo sa COVID-19 ang mga inaasikaso ng kanyang ina ay tanging facemask lang daw ang gamit nitong panangga. Dahil na din daw ito sa kakulangan sa gamit at sa natatanging pagmamalasakit ng ina sa trabaho niya.

“Regardless of the danger she was in, she would always worry about others. She knew they needed her and that was all she needed as a reason.”

Ikinwento pa nito na masakit para sakanila na pumanaw ang kanilang ina nang hindi man lamang nila nakikita. Ipinagpapasalamat nalang nila na naratay ito sa pinagtatrabahuang hospital kaya kahit papaano naman ay mga kasama niya sa trabaho ang nagasikaso sakaniya.

Balak nilang iuwi din sa Pilipinas ang abo ng ina.

Almost 2k

Sa datos na nanggaling sa Department of Foreign Affairs nitong nakaraang Martes, nakalagay na 1604 na Pilipino na na nakatira abroad ang nahawahan ng virus.

Source: GMA News Online

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: