Press "Enter" to skip to content

Di Na Taghirap? Mega Sale Ng Sapatos Sa Isang Mall, Dinumog Ng Mga Tao

Viral ang video na pinost ng netizen na si Cheeza Latican na kuha sa isang mall sa Cagayan De Oro City. Sa video ay makikita ang pagtatakbuhan ng mga tao na makauna sa pila sa Limketkai Mall para sa isang malakihang sale ng sapatos.

Physical distancing

Bunsod ng malaking shoe sale sa CDO, marami ang naexcite na makapamili at di magkamayaw sa pila ang mga interesadong mamimili. Di pa man nagbubukas ang store ay mahaba na ang pila at hindi na din naoobserba ang physical distancing. Sa kabilang banda, kapansin-pansin naman na ang mga tao ay nakasuot ng face mask at face shield.

Di Na Taghirap? Mega Sale Ng Sapatos Sa Isang Mall, Dinumog Ng Mga Tao 2
Photo Source: Hugot Byahero

Kinansela

Bunsod nito ay ipinatigil ng Regulatory Compliance Board (Local Government Unit) ng Cagayan De Oro ang nasabing sale.

Di Na Taghirap? Mega Sale Ng Sapatos Sa Isang Mall, Dinumog Ng Mga Tao 3
Photo Source: Hugot Byahero

Ayon sa chairperson ng Regular Compliance Board na si Atty. Jose Edgardo Uy, nagcommit ang store manager na ikansel ang sale hanggat wala pang naipapatupad na preventive protocols.

“The store manager committed to cancel the sale until clear preventive protocols are put in place,”

Pahayag ng mall

Nagbigay naman ng pahayag ang pamunuan ng Limketkai mall ukol sa viral video.

“Due to the unexpected number of shoppers of the warehouse clearance sale, some safety health protocols were not observed. Please be advised that our management has temporarily stopped the said activity at the Atrium, which was thereafter seconded and approved by the city government,”

Di Na Taghirap? Mega Sale Ng Sapatos Sa Isang Mall, Dinumog Ng Mga Tao 4
Photo Source: Hugot Byahero

Ayon pa sa management ng mall, kaisa ito ng gobyerno laban sa covid-19.

Nauunawaan

Sa kabilang banda, nauunawaan naman ni CDO Mayor Oscar Moreno ang kinahantungan ng sale ngunit hindi aniya dapat kaligtaan ang pagpapatupad ng safety protocols.

MGCQ

Isa ang Cagayan De Oro sa mga lugar na nasailalim sa Modified General Community Quarantine na kung saan ay maraming negosyo na ang nakapagbukas.

Kahit pa man na nasa mas relaxed na community quarantine ang isang syudad, pinapaalala pa din sa lahat na obserbahan ang pagpapatupad ng social distancing, pagsusuot ng face mask at face shield.

At kung hindi mahalaga ang mga gagawing lakad sa labas, mas higit na ligtas na manatili sa kaniya-kaniyang bahay.

TINGNAN: Dinumog ng mga mamimili ang isang mall sa Cagayan de Oro City Sabado ng umaga matapos malamang may malakihang sale ng sapatos ang isang tindahan.Sa kuha ni Cheeza Latican, makikita na nagtakbuhan ang mga mamimili papunta sa tindahan pagbukas pa lang ng mall. Hindi na nasunod ang physical distancing dahil dito.Nang malaman ang insidente, pinahinto ng Regulatory Compliance Board ng lokal na pamahalaan ang naturang sale. Sa isang pahayag, siniguro naman ng Limketkai Mall na kaisa sila sa gobyerno sa kampanya laban sa paglaganap ng #COVID19.Inintindi naman ni Mayor Oscar Moreno ang sale pero aniya, hindi dapat kinalimutan ang safety protocols. | ulat ni Angelo Andrade, ABS-CBN NewsBASAHIN: https://bit.ly/31VHwa0

Posted by ABS-CBN News on Saturday, August 15, 2020

Source: ABS-CBN News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: