Press "Enter" to skip to content

Di Naka Aircon Na Sasakyan, Mas Ligtas Sa Hawaan Sa Covid 19!

Ayon sa pag-aaral, mas ligtas ang mga hindi aircon na sasakyan gaya ng mga traditonal jeep laban sa pagkaka hawaan sa covid 19, Ito ay kumpara doon sa mga naka sarado o aircon. Kaya ipinag sigawan ng isang grupo na pabalikin na ang mga traditional jeepneys sa pagpapasada.

Utos ng LTFRB

Ipinahayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na pabalikin na sa pag pasada ang mga “Modern Jeepneys” sa mga piniling rota ng ahensya. Bilang pag tugon ng mga nakakaraming mga commuters na ma ibsan ang hirap nila.

Di Naka Aircon Na Sasakyan, Mas Ligtas Sa Hawaan Sa Covid 19! 2
Photo Credits: Rappler

Susunod sa striktong guidelines ang mga Modern Jeepneys gaya ng social distancing at pag suot ng masks. Ayon sa napa ulat, pinili ng LTFRB ang modern Jeepneys dahil mas nakaka sunod ito sa mga makabagong direktiba sa ahensya.

Ipinahiwatig ng IBON Foundation, isang developmental Non-government organization, na sa mga pag sisiyasat nila ay may mga syentipikong sumusuporta na mas ligtas sa hawaan ang mga open-air na mga sasakyan, gaya ng traditional jeep, kumpara sa naka aircon at saradong buses o van.

Pahayag ng IBON Foundation

Batay sa mga research ng IBON Foundation, sabi nila na mas mataas ang tsansang mabuhay at mag kalat ang covid virus sa saradong mga lugar at mababa ang bentilasyon. At kahit may social distancing at face mask, mataas pa rin ang tsansa sa pagkalat nito.

Di Naka Aircon Na Sasakyan, Mas Ligtas Sa Hawaan Sa Covid 19! 3
Photo Credits : GMA

Ayon sa kanila,

“Medical researchers and physicists from the University of Amsterdam (UvA) have found that small cough droplets, potentially containing virus particles, can stay in the air of enclosed spaces especially when poorly ventilated. Air quality and health experts from the Chinese Academy of Sciences similarly find that airborne transmission is a significant route of infection in indoor environments.”

Mga Bansa na sumunod sa pag-aaral

Sumunod ang iba’t-ibang bansa sa mundo sa mga pag susuring ito pagdating sa laban ng pandemia. Ayon sa ulat, sa Europa, nagbabala ang  ilang mga organisadong grupo ng transportasyon na mag doble ingat sa mga sasakyan dahil sarado ito at mababa ang bentilasyon.

Di Naka Aircon Na Sasakyan, Mas Ligtas Sa Hawaan Sa Covid 19! 4
Photo Credits: Wuwired.com

Sa Thailand, ini-utos din sa mga transport operators na pabuksan ang mga bintana para sa mas mataas na bentilasyon. At sa China, may mga sasakyan na nagpa bago ng desinyo sa kanilang mga bintana para mas mahangin, at gayun din sa India. Sabi ng IBON Foundation.

Hindi ba safe o gusto ng ibasura?

Sinabi naman ng IBON Foundation, na hindi dapat gawing dahilan ang covid 19 para pwersahang tangalin ang mga modern jeepneys para mabigyan daan ang nais ng gobyerno na palitan ng mas hight tech at bagong desinyo ang mga ito.

Di Naka Aircon Na Sasakyan, Mas Ligtas Sa Hawaan Sa Covid 19! 5
Photo Credits: Carmudi.com.ph

Bagay na inarayan ng mga operators dahil sa mahal at walang pagkukuhaan ng pundo sa pagbili ng mga modernong jeep. Lalo na ngayong may covid ay mas lalo silang lugmok sa kahirapan. Kaya ang iba ay nama malimos na.

Suporta, hindi pag bura

Idiniin ng IBON Foundation, na kritikal na magkaroon ng maraming transportasyon ngayon, lalo na ang lahat ay nagsusumikap na maging normal ang lahat. Pero kabaliktaran ito, dahil di mabibilang ang mga commuters na nag hihirap dulot ng kakulangan sa pam publikong sasakyan.

Di Naka Aircon Na Sasakyan, Mas Ligtas Sa Hawaan Sa Covid 19! 6
Photo Credits: PhilStar

Kaya, sabi ng IBON Foundation, imbes na burahin ang mga traditional jeepneys, bigyan sila ng karagdagang ayuda at suporta para maka bawi sa lugi at ma-i angat ang kalagayan nila.

Source: IBON.ORG

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: