Press "Enter" to skip to content

Di Takot Ma Bash! Xian Gaza, Tinawag Na Bobo Ang Mga Supporters Ni Duterte?

Tila hindi takot sa milyong milyong mga supporters ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kontrobersya na social media personality na si Xian Gaza. Matapang kasi itong nag post sa kanyang Facebook account ng pamimintas sa mga solid supporters ng Pangulo na mas kilala sa tawag na DDS.

Obob

Sa kanyang Facebook post nitong Biyernes, Mayo 29, sinabi niya na malaya siyang magbigay ng kanyang opinyon dahil sa freedom of speech na mayroon ang bawat Pilipino. Dahil dito, walang pasubaling tinawag niyang obob ang ¾ ng mga DDS. Kung babaliktarin mo ang salitang obob lalabas ang katagang “bobo”.

Di Takot Ma Bash! Xian Gaza, Tinawag Na Bobo Ang Mga Supporters Ni Duterte? 2

Ayon sa kanyang post, “Personal Facebook account ko ito at malaya akong ipahayag ang aking opinyon dahil sa freedom of speech. Naniniwala ako na ¾ ng mga DDS ay mga obob at ¼ lang ang may utak. Kung hindi ka sang ayon doon eh congratulations, lakumpake.”

Galit ng mga DDS

Tila handang handa si Gaza na harapin ang mga magagalit na mga supporters ng Pangulo dahil nagawa pa nitong mag comment sa sariling post ng “Intayin natin ang mga obob dito sa comment section.”

Kilala si Gaza bilang isang tao na walang pakialam sa sasabihin ng iba kahit pa milyon milyon pa ang humusga sa kanya. Nagawa din nitong kutyain ang isa pang sikat at kontrobersyal na social media personality na si Francis Leo Marcos o FLM.

Tirada ni Gaza kay FLM

Sa isang video, ibinunyag nito ang di umano ay tunay na kulay ni FLM. Ayon sa kanya, isang tauhan lamang o front si FLM ng isang sindikato na noong nakaraang taon pa nagpaplano ng pang sscam sa mga tao. Plano umano ng grupo na pabanguhin ang kanyang pangalan upang sa gayon ay makahingi ng donasyon sa mga mayayamang tao saka ito ibubulsa ng grupo.

Dahil sa mga aksyon at pahayag na ito ni Gaza, hindi malayong putaktehin siya ng solid supporters ni Pangulong Duterte at ni FLM. Kilala ang dalawang personalidad sa dami ng naniniwala at sumusuporta sa kanila.

Source: Xian S. Gaza

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: