Press "Enter" to skip to content

Dine-in Capacity Itataas ng 50 – 75% Simula Hulyo 21

Simula Hulyo 21 ay pahihintulutan na ng Department of Trade and Industry (DTI)  ang mga kainan na tumanggap ng mas maraming kostumer. Inimungkahi rin ng DTI na mas palawigin pa ang curfew hours upang ang mga kainan ay magkaroon ng mas mahabang operasyon.

Ang naging desisyon

Maaalala noong Hunyo 21 ay pinayagan nang tumanggap ng mga dine-in kostumer ang mga restaurant at mga fastfood chains na nasa General Community Quarantine (GCQ) na may 30% na kapasidad at pagsisiguro na ang mga lamesa ay may 1.5 meters na distansya.

Dine-in Capacity Itataas ng 50 - 75% Simula Hulyo 21 2
Photo Credit: Philstar

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, simula Hulyo 21 ay pahihintulutan na nga bagong alintuntunin ang mga kainan na nasa General Community Quarantine na magkaroon at buksan ang mas maraming lamesa na nasa 50% na kapasidad ng lugar. Para naman sa mga kainan na nasa Modified General Community Quarantine , maaari na silang tumanggap ng 75% na kapasidad.

Dahilan sa pagtataas

Ang dine-in capacity ay itinaas upang maging isang paraan para sa unti-unting pagpapasigla ng ekonomiya ng bansa. Ngunit nais nila na siguraduhin ng mga kainan ang pagsunod sa mahigpit na protocols para masigurado pa rin ang kaligtasan ng mga tao at maiwasan ang pagkalat ng virus.

“Iyong apat na upuan dati, tatlo ang pupuno ng upuan, at ang striktong paiiralin pa rin doon ay ‘yung social distancing at pagkatapos po ay siguraduhing maganda ‘yung ventilation, ‘yung exhaust system, kung saan po puwedeng magkaroon ng mga clear aclryclic dividers,” Ani ni Lopez.

Dine-in Capacity Itataas ng 50 - 75% Simula Hulyo 21 3
Photo Credit: Philstar

Ito ay ang kanilang tugon para sa petisyon mula sa mga may-ari ng negosyo upang makatanggap ng mas maraming kakain at payagan ang break even. Ito ay matapos magsara ang mga restaurants noong nagkaroon ng lockdoon at tumanggap lamang ng takeout at deliveries.

Iba pang apila

Inulat din ng DTI chief na nakagpagtala ang mga kainan ng 90 hanggang 100 na porsyento na pagsunod sa minimum health standards na ipanatutupad, ilan na dito ay ang pagkakaroon ng masks, temperature checks, health declaration forms para sa mga kostumer at kinakailangang spacing o barrier humihiwalay sa mga tao na nasa lugar.

“Napakaganda ng compliance rate po natin. Actually ang range po namin ay nagmumula 92 percent up to 100 percent dahil po everyday we monitor about 400 establishments,” ani niya.

Dine-in Capacity Itataas ng 50 - 75% Simula Hulyo 21 4
Photo Credit: Philstar

Nanawagan din si Lopez na ikonsidera ang pagpapalawig sa curfew hours na kaysa sa alas- 10 ng gabi ay ito sana ay magsimula ng alas-12 ng hatingggabi upang payagan pang magbukas ang mga kainan ng mas matagal na oras para mas marami pang kumain at upang madagdagan ang kita ng mga kainan. Ang pagpapaluwag na ito ay makaraan ang pag-amin kamakailan ng World Health Organization (WHO) na nananatili sa hangin ang virus lalo na sa mga saradong lugar.

Dine-in Capacity Itataas ng 50 - 75% Simula Hulyo 21 5
Photo Credit: Philstar

Samantala naman, ang mga barbershops at salon ay maaari nang tumanggap ng mas maraming kostumer. Ang mga ito na nasa General Community Quarantine ay tataas ng 50% na kapasidad, at ang mga nasa Modified General Community Quarantine ay itataas sa 75% mula sa 50% na kapasidad.

Source: Philstar

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: