Press "Enter" to skip to content

Diskarteng Malupet! Kakaibang Helmet Ng Isang Motorista, Trending Sa Social Media

Iba talaga ang diskarte ng mga tao sa panahon ng tag-gipit. Ito ang pinatunayan ng isang motorista matapos gamitin bilang helmet ang isang lumang rice cooker.

Rice cooker helmet

Trending ngayon sa social media ang isang video kung saan makikita ang dalawang magka angkas na lalaki. Nag viral ito hindi dahil sa pag angkas niya sa motor kundi sa kanyang kakaibang helmet. Imbes kasi na regular na helmet ang gamitin, luma at sirang rice cooker ang ginawa niya proteksyon sa kanyang ulo.

Diskarteng Malupet! Kakaibang Helmet Ng Isang Motorista, Trending Sa Social Media 2

Sa Facebook post ng Kuya Pao thoughts for today, makikitang tuwang tuwa ang lalaking kumukuha ng video habang sinusundan ng kanyang sasakyan ang dalawang naka motor. Sakto kasi ang laki ng rice cooker sa ulo ng lalaki kung kaya papasa nga itong pamalit sa tunay na helmet.

Madiskarteng motorista

Nagawa pa ng may ari ng video na ibaba ang salamin ng kanyang sasakyan para lang tawagin ang lalaking nakasuot ng “improvised helmet. Nang mapansin ng angkas na kinukunan siya ng video ay agad nitong tinago ang kanyang mukha. Maging ang driver ng motor ay nahiya na rin humarap sa camera.

Diskarteng Malupet! Kakaibang Helmet Ng Isang Motorista, Trending Sa Social Media 3

Kakaiba talagang mag isip ang madiskarteng tao. Sa tuwing nahaharap sa mga suliranin o kakapusan, madali silang makaisip ng solusyon. Nagagawa nila makagawa ng diskarte na hindi maiisipang gawin ng ibang tao. Tulad na lamang ng diskarte ng lalaki sa paggamit ng rice cooker bilang helmet.

Kahalagahan ng helmet

Ang helmet ay isa sa mga pangunahing kailangan ng isang motorista upang magsilbing proteksyon nito sa oras ng aksidente. Ang pagsusuot nito ay mahigpit na ipinag uutos ng mga awtoridad para na rin sa kaligtasan ng mga motorista. Kung mahuhuling walang suot na helmet, maaaring magmulta ang nasabing violator.

Kaya naman lahat ng diskarte ay naiisip ng mga tao upang hindi mahuli. Naroon na ang gawing helmet ang kaldero, arinola, at ngayon naman ay rice cooker na siyang kinagigiliwan ng mga nakapanood.

MADISKARTE SI KUYA, PAG WALANG HELMET ITO MAY NA INBINTO SI KUYA…

Posted by Kuya Pao Thought for today on Friday, June 12, 2020

Source: Kuya Pao Thought For Today

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: