Press "Enter" to skip to content

Diskriminasyon Sa Mga OFW Sa Israel, Ibinunyag Ng Isang Caregiver

Last updated on June 7, 2020

“Ang kalaban ng mga katulad namin na OFW is descrimination.” ito ay ilan lamang sa mga pahayag ni Gigie Payumo, isang caregiver sa Israel at labing limang taon nang nagtatrabaho dito.

Pagtataboy

Ayon kay Gigie, maliban pa umano sa virus ang higit na kalaban ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa ibang bansa ay ang diskriminasyon at kung paano sila tratuhin ng ibang lahi.

Diskriminasyon Sa Mga OFW Sa Israel, Ibinunyag Ng Isang Caregiver 2
Photo Credits: Reel Time

Pahayag ni Gigie sa kanyang vlog na kapag nakikita sila ng mga ibang lahi ay tinatawag silang CORONA. Sinisigawan at itinataboy umano sila dahil hindi sila kamukha o kalahi ng mga ito. Nang magsimula raw ang lockdown sa kanila ay tila nag iba na rin ang pakikitungo sa kanila ng mga tao.

Ani ni Gigie,

“Talagang sisigawan ka nila ng “corona!” Para kang pinalayas na hayop! Para kang itinaboy na aso!”

Lockdown

Isa pa sa mga naging suliranin ng mga OFW ay ang kawalan ng trabaho dahil sa lockdown. Dahil sa loob umano ng dalawang buwan ay walang nakalalabas sa mga naka lockdown kung kaya’t mas pinili ng kanilang mga employer na huwag muna silang papasukin sa trabaho. At dahil dito ay nag umpisa na silang mag-alala para sa kanilang mga gastusin at mga bayarin sa pananatili sa ibang bansa.

Ani ni Gigie

Diskriminasyon Sa Mga OFW Sa Israel, Ibinunyag Ng Isang Caregiver 3
Photo Credits: Reel Time

“Nadisplace po kami dahil sa Corona virus.


Tila hulog naman ng langit kay Gigie at sa mga kasamahan niyang kapwa Pinoy ang ilang mga feeding programs ng mga Israeli Non-Government Organizations (NGO). Dagdag pa niya ay kailangan pa nilang maglakad ng trenta (30) minuto mula sa kanilang mga tinitirhan upang makarating sa mga namimigay ng libreng pagkain at kapag sinita sila ng mga pulis ay kailangan lang nilang idahilan na kukuha sila ng libreng makakain.

Ani ni Gigie

“Umabot na tayo sa punto na noong nalaman namin na may mga free na pagkain, nandoon na po kami. Nakapila na po ang ating mga kababayan”.

Diskriminasyon Sa Mga OFW Sa Israel, Ibinunyag Ng Isang Caregiver 4
Photo Credits: Reel Time

Sa sitwasyon naman ni Mcdonald Garcia, isang stay-in caregiver sa Israel, siya ay nakulong ng dalawang buwan sa bahay ng kanyang alaga. Sinabihan umano siya ng kanyang amo na huwag nang lumabas dahil kapag nagpumilit siyang lumabas ay ika-quarantine siya ng labing apat (14) na araw at mapipilitan ang kanyang mga amo na humanap ng papalit sa kanya at mawawalan siya ng trabaho.

Naudlot na Kasal

Nakatakda na sanang ikasal si Mcdo at ang nobya nitong si Nora Agunias na isa ring caregiver sa Israel ngunit nang dahil sa lockdown ay hindi na rin muna ito itinuloy. Sa loob nang dalawang buwan ay hindi rin nagawang magkita ng dalawa.

Diskriminasyon Sa Mga OFW Sa Israel, Ibinunyag Ng Isang Caregiver 5
Photo Credits: Reel Time

Makakauwi pa ba ako ng Pilipinas? Makikita ko pa ba ang pamilya ko? Mayayakap ko pa sila? Ilan lamang iyan sa mga katanungang pumasok sa isip nila Gigie at Mcdo dahil sa mga nangyayari sa kanila sa Israel. Ngunit may mensahe ang dalawa para sa mga kapwa nila Pilipino.

Ani ni Mcdo

“Sa mga OFW na nakaranas ng lockdown dahil sa COVID-19 mag tiis-tiis lang muna tayo. Kailangan natin mag ipon ng mag ipon para makauwi na tayo ng Pipilinas.”

Ani ni Gigie,

“Sana makaligtas tayong lahat.”

Source: GMA News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: