Press "Enter" to skip to content

Distansya! Mga Mag Asawa At Magkasintahan, Bawal Pa Rin Magdikit Sa Kalsada Sa Ilalim ng GCQ Ayon Kay Roque

Sa ilalim ng bagong protocol na General Community Quarantine o GCQ, bawal pa rin na maglapit ang mga magkasintahan maging mag asawa sa tuwing lalabas ng bahay. Ito ay mahigpit na ipapatupad bilang pagsunod sa social distancing.

General Community Quarantine

Sa isang virtual na panayam, sinabi ni Presidential Spokeperson Harry Roque na mas luluwag ng kaunti ang polisiya sa ilalaim ng GCQ, na magsisimula bukas, Mayo 16. Ang buong bansa maliban sa NCR, Laguna, at Cebu ay mapapasailalim na sa bagong protocol.

Ngunit dahil sa hindi pa tuluyan napupuksa ang nakamamatay na virus, lalo pa at wala pang naiimbentong gamot para rito, masanay na daw muna ang publiko sa “new normal”. Hindi pa rin pwedeng bumalik sa dating nakasanayan dahil mapanganib pa ito sa ngayon.

Ayaw umano ng pamahalaan na magaya ang Pinas sa ibang bansa tulad ng Japan at South Korea na nagkaroon ng second wave ng COVID-19 dahil sa biglaan nilang pagluwag sa quarantine protocol. Kung magkaka ganoon kasi, hindi na kakayanin pa ng bansa na kargahin muli ang pasanin ng mga mamamayan.

Bawal ang PDA

Kaya naman, kahit sa ilalim ng GCQ, ipapatupad pa rin ng istrikto ang social distancing. Bawal pa rin magtipon-tipon ang publiko kaya wala munang misa, reunion at iba pang pagpupulong.

Maging ang mga makasintahan o kahit mag asawa ay bawal pa rin magdikit sa kalsada. Ang holding hands while walking o HHWW na nakasanayan ay tigil muna.

Distansya! Mga Mag Asawa At Magkasintahan, Bawal Pa Rin Magdikit Sa Kalsada Sa Ilalim ng GCQ Ayon Kay Roque 2
Photo Source: ABS CBN News

Ayon kay Roque, “Basta wala pong kumpol-kumpulan. Iyong mga mag-asawa po, kinakailangan maghiwalay kayo ‘pag naglalakad. Temporary hiwalay muna iyong mga boyfriend… Wala munang holding hands habang naglalakad po,”

Pwede na sa kalsada ang mga street vendor

Samantala, pinayagan na ang pagtitinda ng mga street vendors sa kalsada. Maging ang mga sports na hindi kailangan ng pisikal na pagdidikit tulad ng tennis, golf, at badminton ay pwede na rin. Yun nga lang oobserbahan pa rin ang tamang distansiya.

Sa kasalukuyan, umabot na sa 11,876 ang bilang ng nagpositibo sa COVID-19. Mula sa bilang na ito, 2,337 na ang gumaling habang 790 naman ang nasawi.

Source: ABS CBN News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: