Press "Enter" to skip to content

Distribusyon Ng Second Tranche Ng SAP, Gagamitan Ng Kamay Na Bakal

Manila, Philippines – Sa isang pagpupulong sa Malacañang, sinabi ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Bautista na nakikipagtulungan ang ahensya sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa distribusyon ng ayudang pinansyal mula sa sa Social Amelioration Program (SAP) ng pamahalaan.

Tamang benipisyaryo ang tatanggap

Inaasahan ni Pangulong Rodrigo Duterte na mas mapapabilis ang pamamahagi ng ayuda dahil sa tulong ng pulis at militar. Subalit, nilinaw ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi tatanggalan ng papel ang mga local government units (LGUs) sa pagpapatupad ng SAP.

Distribusyon Ng Second Tranche Ng SAP, Gagamitan Ng Kamay Na Bakal 2
Photo Credits: PTV News

Ani niya,

“Hindi naman ibig sabihin ay itsapuwera na ang mga barangay, siyempre mayroon pa rin pong importansiya dahil kakilala nila iyong mga tao sa lugar.”

Honestong pagbibigay

Layunin din ng panibagong patakaran ang masigurong maibibigay sa itinalagang mga benepisyaryo ang nakalaang ayuda at maiwasan ang pagkakaroon ng dayaan.

Dagdag pa ni Roque,

“Isipin ninyo na lang ‘yung mga nandadaya diyan, ‘yung mga kumakana diyan ay maiiwasan dahil wala na pong hihingi ng hati doon sa mga tao na binibigay sa mga beneficiaries.”

Distribusyon Ng Second Tranche Ng SAP, Gagamitan Ng Kamay Na Bakal 3
Photo credits: Inquirer

Aabot sa 23 barangay officials ang nahaharap sa reklamo tungkol sa anomalya sa distribusyon ng SAP. Apat naman ang inaasahang masasampahan ng kaso habang 110 naman ang nasa “case buildup”.

Nabigyan nang unang ayuda

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, 97% na ng ayudang pinansyal ang naibibgay. Sa ilalim ng SAP, makakatanggap ang mga pamilyang mahihirap ng aabot sa P5,000 hanggang P8,000 para sa buwan ng Abril ng Mayo upang matulungan silang matustusan ang mga pangangailangan sa kasagsagan ng krisis.

Distribusyon Ng Second Tranche Ng SAP, Gagamitan Ng Kamay Na Bakal 4
Photo Credits: UNTV Web

Samantala, 23 milyong pamilya ang tinatayang makakatanggap sa unang bugso habang 18 milyon naman sa pangalawa. Kinakailangan ding magsumite muna ang mga LGU ng liquidation reports tungkol sa unang bugso bago makag-umpisang mamahaging muli sa pangalawang bugso.

Inaasahan ang paglalabas ng memorandum tungkol sa pangalawang distribusyon ng SAP sa susunod ng linggo, ayon sa tagapagsalita ng Pangulo.

Source: PTV News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: