Press "Enter" to skip to content

Dito Telecommunity Corp.–Bagong Kompetensiya ng Globe At Smart, Tuloy Pa Ba Sa Planong Maging Ikatlong Telco Provider Sa Bansa?

Maging tatlo na kaya ang telco na pwedeng pagpipilian ng mga Filipino? Ang China–Powered Telco na Dito Telecommunity Corporation na kaya ang kasagutan sa mahinang internet? Kumusta at ano na ang mga natapos nilang gawin para sa mga ipinangakong serbisyo sa mga Filipino?

Malapit sa pangulo

Ang Dito Telecommunity ay isang China-Telecom backed company, na inaprobahan ng Pangulong Duterte, noong nakaraang taon, bilang pangatlong telco player sa bansa. Inaasam na sa pagdating nito ay bubuti pa ang serbisyo ng mga heganteng telcos na Smart at Globe Telecom.

Dito Telecommunity Corp.--Bagong Kompetensiya ng Globe At Smart, Tuloy Pa Ba Sa Planong Maging Ikatlong Telco Provider Sa Bansa? 2
Phot Credit: Wikipedia

Sa kaarawan mismo ng pangulo ang piniling petsa ng Dito Telecommunity, para ibida ang kanilang brand new network, patunay sa malapit na ugnayan ng pangulo sa kompanya. Pag-aari ni Dennis Uy ang 60% ng kompanya at 40% naman ay sa State-owned China Telecom. Isa sa mga business tycoon sa Davao city si Uy, na matagal nang na eulat na close sa pangulo at naging funder sa presidential campaign noong eleksyon.

Kumusta na sila?

Pero ang inaasahang maging maingay at usap-usapan sana na pagdating nila ay naging “low key internal event”, pagkatapos nailagay sa lock down ang halos buong parte ng bansa.

Dito Telecommunity Corp.--Bagong Kompetensiya ng Globe At Smart, Tuloy Pa Ba Sa Planong Maging Ikatlong Telco Provider Sa Bansa? 3
Photo Credits: Bilyonaryo

Maliban sa dagok ng virus, napostpone naman ang schedule ng “technical audit” na gagawin sana noong July 8. Isasagawa ang audit upang malaman ang physical na kakayahan ng kompanya para maka operate. Na re-schedule ito sa January 2021. Ang dahilan ay, hindi pa halos nangalahati sila sa pagpatayo ng kamilang mga towers o cell sites dahil na rin sa pandemya.

Pero positibo ang kompanya na mahahabol nila ang mga targets sa taong 2021. Sabi ni Dito Chief Administrative Officer, Adel Tamano,

Dito Telecommunity Corp.--Bagong Kompetensiya ng Globe At Smart, Tuloy Pa Ba Sa Planong Maging Ikatlong Telco Provider Sa Bansa? 4
Photo Credits: Business Mirror

 “We are on track for our commercial launch this March 2021, and we are moving heaven and earth to make that happen and have a successful launch.”

Inaasahan ng kompanya na sa susunod na birthday ng pangulo ay available na ang ipinagmalaking “world-class” telecoms service nila.

Herculean task

Kaya doble ang pagtratrabaho ng Dito Telecommunity para maabot ang mga targets nila sa 2021. Kung hindi, ay bilyon ang maging lugi nila. At maging rason ito para mababahiran ang imahe ng pangulo sa pangakong magbigay ng world class service ng internet.

Dito Telecommunity Corp.--Bagong Kompetensiya ng Globe At Smart, Tuloy Pa Ba Sa Planong Maging Ikatlong Telco Provider Sa Bansa? 5
Photo Credits: Newsbytes

Ayon ng isang telecom analyst at Fitch Ratings, na si Janice Chong, ay mahirap itong gawin, ayon sa statement niya,

 “March 2021 is a tough deadline to achieve, but I think it really depends on how fast restrictions are lifted. But looking at current circumstances just makes it more difficult.”

Produkto ng China- Philippines Friendship

Ang Dito Telecommunity ay, isa sa mga produkto ng pangulo sa pagkiling nito sa China. Kung saan, ay nanligaw ang pangulo para mag invest ang bansa sa Pilipnas, kahit sa gitna ng maiinit na isyu sa South China Sea.

Dito Telecommunity Corp.--Bagong Kompetensiya ng Globe At Smart, Tuloy Pa Ba Sa Planong Maging Ikatlong Telco Provider Sa Bansa? 6
Photo Credits: Nikkei

Kahit may mga naibalitang sangkot sa espionage at mga security issues ang China Telecom, ay mas pinaboran pa rin ito ng administrasyon. At marami ding ibang mga China based companies, ang napili para sa mga ipapatayong mga railways at dam projects ng pamahalaan.

Banat sa mahinang internet speed

Kahit noong bago pa sa puwesto ang pangulo, ay nagbanta na ito sa mga telcos dahil sa mahal at mahinang serbisyo nito. At noong nakaraang SONA niya, ay inulit ng pangulo at sinabi na bibtayin niya ang president ng Globe sa mismong tower nito kung hindi pa mapa-improve, at ipapasara sila kung walang makitang resulta sa kanilang serbisyo ngayong darating Disyembre.

Dito Telecommunity Corp.--Bagong Kompetensiya ng Globe At Smart, Tuloy Pa Ba Sa Planong Maging Ikatlong Telco Provider Sa Bansa? 7
Photo Credits: PhilNews

Ang PLDT ay Japan backed telco ng NTT Group at ang Globe Telecom naman ay, Singapore Telecommunications. Isa sa mga water concessionaires, ay mga may-ari din ng GLOBE at PLDT, na binantaan din ng pangulo na kakasuhan niya dahil sa maanomalyang kontrata, na kinawawa ang mga mamayang Pilipino.

Pero noong kasgsaggan ng pandemya, ay naging aktibo sa pagtulong sa gobyerno ang mga business tycoons para sa COVID-19 crisis, dahilan na nagpakumbabang humingi ng tawad ang pangulo at nagpasalamat sa mga tulong nila at sinabing “ubos na ang sungit niya dahil sa virus” sa televised interview niya.

Dito Telecommunity Corp.--Bagong Kompetensiya ng Globe At Smart, Tuloy Pa Ba Sa Planong Maging Ikatlong Telco Provider Sa Bansa? 8
Photo Credits: ABS CBN News

Ano ang hinaing ni Dito?

Kagaya sa report mismo ni  Mr. Ernest Cu, ng Globe Telecom, sa pangulo, na nahihirapan sila sa pagkuha ng mga permits mula sa mga LGUs, para mapatayo ang mga cellsites nila. Ganun din ang sinapit ng Dito Telecommunity, despite sa paging close nito sa pangulo.

Sabi ni Chief Technology Officer Rodolfo Santiago, “We are at the mercy of the local government units.” Nitong July ay nasa 300 cell sites ang naipatayo, malayo sa 1,300 towers na target. Kung sa January 2021 na ang technical audit, ibig sabihin kailangan nilang magtayo ng 7 ka tower kada araw.

Dito Telecommunity Corp.--Bagong Kompetensiya ng Globe At Smart, Tuloy Pa Ba Sa Planong Maging Ikatlong Telco Provider Sa Bansa? 9
Photo Credits: Newsbytes

Pangako ni Dtio

Kung matutuloy na makapag operate ang kompanya sa 2021, ay lalong aabangan ng sambayanan ang pangakong dala na magbibigay sila ng 27 megabits per second na internet speed sa unang taon—malayo sa kasalukuyang 6 mbps speed ngayon. At nangako din sila na, mag increase sa 55 Mbps kada taon ang kanilang speed sa loob ng 5 taon.

Isa sa magsusuply ng network equipment sa Dito ay, ang Huawei Technologies, ZTE at Huaxin, kahit may pressure ang Amerika na tanggihan ang mga naturang Chinese companies na isama ito sa paglunsad ng 5G network.

Dito Telecommunity Corp.--Bagong Kompetensiya ng Globe At Smart, Tuloy Pa Ba Sa Planong Maging Ikatlong Telco Provider Sa Bansa? 10
Photo Credits: Bilyonaryo

Malaking suporta ang ibinigay ng pamahalaan sa Dito Telecommunity, maging ang pag approved sa policy na nagpapahintulot sa mga mobile users na mag palit ng providers at, manatili ang cellphone numbers ay, isa sa mga suportang ibinigay sa baguhang kompanya.

Kaya ang pangulo ay, agarang inutos sa mga LGUs na aprobahan ang mga telco permits sa mas lalong madaling panahon.

Source: Nikkei Asian review

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: