Press "Enter" to skip to content

DJ Loonyo, Babaero At Walang Kwentang Ama Nga Ba?

Nagulat ang lahat kaya mabilis na nag-viral ang post ni Aika Flores na ex pala ng sikat na TikToker na si DJ Loonyo. Hindi lang iyon, may anak pala silang dalawa at masaklap ang kwento nila.

Pambababae

Sa kwento ni Aika, kakagraduate niya lang daw noon nung sumama siya kay Loonyo sa Cagayan de Oro. Ang alam ng magulang niya ay nasa Baguio siya at nagttraining magsayaw.

DJ Loonyo, Babaero At Walang Kwentang Ama Nga Ba? 2

Ayon sakanya, sa limang buwan na nilagi niya doon, nagigising siya sa madaling araw na wala sa tabi niya si Loonyo, ito daw ay nasa CR dala ang laptop marahil ay may kachat.

Napatunayan naman niya ito noon umuwi siya ng Manila ng two months nang buntis. Chineck daw nito ang Facebook ni Loonyo at tunay ngang may mga kachat ito, pati na din ang ex nito.

Walang kwentang ama

Ang usapan ng dalawa ay uuwi muna ng Manila si Aika at susunod si Loonyo. Ngunit matapos ang ilang linggo tumawag si Loonyo at gustong ipalaglag ang bata. Sinubukang ayusin ni Aika at naayos naman nila at sumunod parin si Loonyo sa Manila.

DJ Loonyo, Babaero At Walang Kwentang Ama Nga Ba? 3

Ngunit nang kabuwanan na ni Aika nagaway ang dalawa hanggang sa pinalayas nito si Loonyo. Matapos ang init, kahit anong pagpapauwi ni Aika ay hindi na ito bumalik. Sa mismong due date ni Aika, lumipad pauwi ng CDO ang TikToker tila daw ayaw magpahabol.

Puro pa-fame

Isang taon na daw ang anak nila nang muli magparamdam si Loonyo. Pero imbes na puntahan ang anak niya para sana makasama ito, ay tila gusto pa nito na dahil ni Aika sakanya ang kanilang anak sa mall show nito. Hindi pumayag si Aik dahil alam niya na gusto lang magpasikat at magmukhang mabuting ama ni Loonyo sa harap ng fans niya.

Matapos nito, tatlong taon ang nakalipas ng walang paramdam. Hanggang magparamdam ito uli nung apat na taon na ang bata. Hindi parin naman niya pinuntahan ang bata.

Hanggang sa huli

Taong 2017 nang binawian ng buhay ang anak nila. Ayon kay Aika, ito daw ang una at huling pagkikita ng mag-ama. Hinayaan ni Aika na bihisan nito ang anak nito para maalagaan niya sa huling pagkakataon.

Hinayaan din nito na magsalita si Loonyo sa burol ngunit puro payabang parin ang lumabas sa bibig nito.

Taong 2020 na, tatlong taon nang patay ang anak nila, pero ni minsan hindi man lang daw dumalaw si Loonyo dito.

Taliwas ito sa kakapalabas laman na episode ng Magpakailanman kung saan ang kwento ni Loonyo ang bida.

Basahin ang post dito: Aika Flores

to RHEMUEL LUNIO aka DJ LOONYO,MAN! mukang di ko na kayang palagpasin tong araw na to gaya nung mga pinalagpas kong…

Posted by Aika Flores on Saturday, July 18, 2020

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: