Press "Enter" to skip to content

DJ Loonyo Nagsorry Sa Maling Paggamit Ng “Mass Testing”, Netizens Lalong Nainis?

Kamakailan lang nagviral ang sikat at pinagkakaguluhan ng karamihan na si DJ Loonyo dahil sa kanyang tila maling pagkakaintindi sa “mass testing”.

Pagkalungkot

Matapos magviral, naglabas ito ng statement at sinabi na nalulungkot daw siya dahil sa loob ng dalawang oras na live video nila ni #MrMainit ay yung limang minuto lang ang nagviral at ang dami pang sinasabi sakanya.

DJ Loonyo Nagsorry Sa Maling Paggamit Ng “Mass Testing”, Netizens Lalong Nainis? 2

Naghingi ito ng tawad dahil maling salita lamang daw ang nagamit niya. Ang punto daw nito sa komento niya ay hindi naman tungkol sa “Covis Mass Testing” sa halip ay tungkol daw ito sa “Clinical trials”.

DJ Loonyo Nagsorry Sa Maling Paggamit Ng “Mass Testing”, Netizens Lalong Nainis? 3

Naiintindihan daw niya na ang paggamit ng maling terminolohiya ay kritikal lalo sa panahon ngayon kaya naman ito ay humihingi ng pasensya.

Critical thinking

Matapos ang paghingi ng tawad, sinabihan naman nito ang mga bashers at taga supporta na sana daw sa panahon na ganito ay mas maging bukas ang pagiisip. Critical thinking, yan ang itinawag niya sa kung ano ang kailangan sa panahon ngayon.

DJ Loonyo Nagsorry Sa Maling Paggamit Ng “Mass Testing”, Netizens Lalong Nainis? 4

May mensahe rin ito sa mga bashers na nagsabing sana daw ay nagresearch muna sila bago sumabak sa ganung live at magbigay ng kritikal na impormasyon. Ayon sakanya, sinisiguro niya na nagresearch daw sila. Ngunit nandoon daw sila sa punto na bukas ang pagiisip nila makita ang lahat ng anggulo ng isang bagay para makapagbigay sila ng tamang impormasyon. Marami din daw silang disclaimers sa video na hindi sila eksperto.

Pagrarason lang?

Ayon naman sa mga netizens sa comments ay lalo lang nitong pinagulo ang sitwasyon. Sana daw ay hindi ito nagbibitaw ng ganung salita, lalo’t hindi niya alam kung ano ang proseso ng tunay na clinical trial.

Punto pa ng isang netizen, tinanong si DJ Loonyo ng kausap niya para linawin ang ibig niyang sabihin. Malinaw na sinabi niya ito ay para sa mga papasok na sa trabaho kinabukasan. Kaya papaano naman daw ito magiging “clinical trial” kung hindi pa nga alam kung positibo ang mga ito.

Source: Rappler

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: