Press "Enter" to skip to content

DOE: Nuclear Energy, Tinitignang Solusyon Para Sa Mababang Konsumo Ng Kuryente

Dahil sa patuloy na pagdami ng reklamo ng mga Pilipino sa nagtataasang Meralco bill, nakahanap ng solusyon ang Department of Energy ukol dito. Hindi naman maitatanggi ang pagbulusok ng bill sa kuryente habang ipinapatupad ang enhanced community quarantine sa bansa. Ito ay sa kadahilanang ang lahat ay nasa kanya-kanyang bahay.

Solusyon

Isa sa mga nakikitang solusyon ng Department of Energy upang mapababa ang konsumo ng kuryente sa bansa ay ang paggamit ng nuclear energy. Sa isinagawang Joint Congressional Energy Commission Hearing, sinabi ni Energy Secretary Alfonso Cusi na bagaman ay napababa ng pandemiya ang demand sa kuryente na nagdulot ng pagkabawas sa rate usage nito, nagsasagawa ng pag-aaral ang DOE para mas maging abot-kaya ang konsumo nito para sa maraming pamilya.

DOE: Nuclear Energy, Tinitignang Solusyon Para Sa Mababang Konsumo Ng Kuryente 2

Pag-aaral

Sa katanungan ni Senator Risa Hontiveros kung may ginagawang hakbang ba ang DOE upang makatulong na mapababa ang bill sa kuryente, heto ang sagot ni Cusi,

“Una po, sa nararanasan nating problema, isinusulong po namin ‘yung nuclear… DOE is exploring all the possibilities so makakaasa po kayo na tinitingnan po natin lahat ‘yan,”

Nuclear energy

Isinusulong ni DOE Secretary Cusi ang pagpapasama ng nuclear energy sa energy mix na meron ang bansa sa kasalukuyan. Nagsumite ng presentation si Cusi kay Pangulong Duterte ukol sa nuclear energy program na isinusulong ng ahensya. Sa kabilang banda, hindi pa napapag-usapan sa Palasyo ang posibilidad na pagbuhay sa Bataan Nuclear Power Plant.

Suportado

Nagpahayag naman ng suporta ang mga netizens ukol sa magandang programang ito ng bansa. Anila ay may iba pang mga solusyon na maaaring makadagdag sa pagpapababa ng konsumo ng kuryente. Ang mga renewable energy tulad ng Geothermal, Hydrothermal energy, at iba pa. Dapat lamang anila ay pangalagaan ng gobyerno ang kalikasan dahil maaari itong maging source ng enerhiya. Dapat din anila ay ariin ng gobyerno ang mga public utilities upang masiguro na fair price ang maiaalok sa masa.

Hangad ng marami na maisulong, mapag-aralan at maaprubahan ang nuclear energy dahil ito ang pinakamura at pinakamalinis na source of energy.

Source: GMA News Online

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: