Press "Enter" to skip to content

DOH: Face Shield SRP, Hindi Tataas Sa Halagang P50

Nakatakdang maglabas ng SRP ang Department of Health para sa face shield upang maiwasan ang overpricing. Sa mga susunod na araw ay irerequire na ang pagsusuot ng face shield kung pupunta sa mga pampublikong lugar.

SRP

Ayon sa DOH, hindi dapat tumaas sa halagang P50 ang presyo ng face shield sa merkado. Sa interbyu ng Unang Hirit kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, may partikular na suggested retail price na ang ahensya para sa pagbebenta ng face shield.

DOH: Face Shield SRP, Hindi Tataas Sa Halagang P50 2

Sa kasalukuyan ay nakapending pa ito para aprubahan ni DOH Secretary Francisco Duque III bago pa man ito ipasa sa Department of Trade and Industry.

Hindi tataas sa P50

Sa ngayon hindi maaaring ilabas ni DOH Undersec Vergeire kung magkano ang pinal na SRP na rekomendasyon ng ahensya. Ngunit nang tanungin ito kung mas mataas pa sa P50 bawat isa, sinabi nitong hindi ito aabot sa singkwenta pesos.

DOH: Face Shield SRP, Hindi Tataas Sa Halagang P50 3

Pagsisiguro pa ni Vergeire, hindi dapat mag-alala dahil siguradong hindi tataas ang presyo ng face shield.

“Huwag kayong mag-alala [kasi] we made sure na hindi tataas ang presyo dahil based dun sa material na sinabi sa atin at mabibili ng ating mga kababayan nang hindi sila mahihirapan,”

Mandatory

Noong Lunes ay nakipag-ugnayan ang DTI sa DOH na magpatupad ng SRP para sa face shields kaugnay sa mandatory na paggamit nito sa mga public transportation simula Agosto 15.

Bago pa man maipatupad ang mandatory na paggamit ng face shields, napabalitang tumaas ang presyo nito mula P18 ay naging P40 bawat isa.

Rekomendasyon ng eksperto

Ayon kay Vergeire, ang recommended na SRP ng face shield ay base sa isang maliit na survey na isinagawa ng ahensya. Nakipag-ugnayan ang ahensya sa mga eksperto ukol sa materyales na ginagamit sa mga face shield.

“Nagpagawa kami ng small survey across the different markets of face shields dito sa ating bansa, pero bago namin ginawa ‘yan nakipag-usap kami sa ekperto kung ano bang klaseng material ang kailangan ng face shield para maprotektahan ang ating mga consumers, ‘yung mga kababayan natin,”

Ngayong araw ay nakatakdang aprubahan ni DOH Sec. Duque ang SRP na rekomendasyon ng ahensya.

Source: GMA News Online

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: