Press "Enter" to skip to content

DOH, Nagbabala Sa Publiko Matapos Dumugin Ng Tao Ang CCP

Last updated on June 29, 2020

Manila, Philippines – Nagulantang ang publiko sa nakitang tumpok ng mga tao sa Cultural Center of the Philippines (CCP) ground kaninang umaga para mag-ehersisyo.

Viral na larawan

Kaninang umaga, sa larawan na inupload ni Noche Casas ng DZRH ay makikita ang mga tao na hindi man lang sumusunod sa tinatawag na social distancing. Bukod pa dito, marami sa mga namataan ay pawang mga minor de edad at walang suot na facemask.

DOH, Nagbabala Sa Publiko Matapos Dumugin Ng Tao Ang CCP 2
Photo Credit: Facebook – Noche Casas

May nagtatawanan, may nag lalaro ng soccer at meron naman na mga nag eehersisyo na hindi inalintana ang takot na mahawaan ng nakamamatay na COVID-19.

Paalala ng DOH

Dahil dito ay pinaalalahan ng Department of Health (DOH) ang publiko na dapat ay umiwas pa rin sa mga matataong lugar dahil nariyan pa rin ang banta ng Coronavirus Disease.

DOH, Nagbabala Sa Publiko Matapos Dumugin Ng Tao Ang CCP 3

Mariin pa ring hinihikayat ng DOH ang publiko na manatili sa kanilang tahanan at limitahan ang paglabas-labas o exposure sa mga aktibidad.
Ayon sa DOH, ang COVID-19 ay nasa paligid lamang at nanatili ang virus na maaring makuha at makahawa.

Kooperasyon ng bawa’t tao

Dagdag pa ng ahensya na mapagtatagumpayan ang laban sa COVID-19 sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng bawat isa. Ginawa ng DOH ang paalala sa publiko mataposag viral ang mga kuha ng larawan kung saan dumagsa sa CCP ground ang mga tao.

DOH, Nagbabala Sa Publiko Matapos Dumugin Ng Tao Ang CCP 4
Facebook – Noche Casas

Sa kasalukuyan pumalo na sa 11,876 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Samantalang may naitala naman ang Department of Health (DOH) na 2,337 ang mga nakarekober at 790 naman ang namatay sa virus ngayong araw.

Source: Facebook – Noche Casas

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: