Press "Enter" to skip to content

DOH, Nagbabala Ukol Sa Mga Fake Contact Tracers

Nagpabatid ng babala ang Department of Health ukol sa mga pekeng contact tracers. Paalala ng ahensya, huwag basta-basta magbigay ng personal na impormasyon sa mga tumatawag at nagpapakilalang contact tracer.

Fake contact tracers

Ayon sa DOH, ang mga naglipanang fake contact tracers ay sangkot sa extortion. Nakatatanggap ng maraming reklamo ang ahensya na kung saan ay may mga nagpapakilalang miyembro umano ng DOH Contact Tracing Team. Ang mga ito ay nanghihingi ng personal na impormasyon mula sa kanilang binibiktima na syang ihingian ng pera sa kalaunan.

DOH, Nagbabala Ukol Sa Mga Fake Contact Tracers 2

“We have received reports of citizens getting calls from certain individuals misrepresenting themselves as members of the DOH Contact Tracing Team. They maliciously ask for personal information and extort money in the process,”

Maging mapanuri

Paalala pa ng DOH, maging mapanuri sa mga nagpapakilalang contact tracers. Huwag paunlakan ang tawag upang hindi mailagay sa panganib ang kapakanan at seguridad.

DOH, Nagbabala Ukol Sa Mga Fake Contact Tracers 3
Photo Source: Radyo Inquirer

“The public is advised to be vigilant and not entertain these calls. Do not give out your personal information and end the call. Take note of the number and block it. Do not put your security at risk,”

Ireport

Paanyaya ng DOH, huwag mag-atubili na ireport sa kanilang himpilan ang insidente sa

DOH’s Call Center Hotline, telephone number (632) 8651-7800 local 5003-5004 o kaya naman ay magpadala ng email sa callcenter@doh.gov.ph.

Nakikipag-ugnayan na rin ang ahensya sa Philippine National Police at National Bureau of Investigation upang maimbestigahan ang bagong modus. Nangangako ang ahensya na magsasampa ito ng kaukulang kaso laban sa mga perpetrators kung kinakailangan.

Kinokondena

Sa mensahe ng DOH, kinokondena anila ang mga indibidwal na nang-aabuso sa pinagdaraanang krisis sa bansa.

“We condemn the perpetrators of these acts and warn the public against individuals who are taking advantage of this health crisis. The DOH will take the appropriate legal action as necessary,”

Dagdag pa riyan, pinapaalala nito sa publiko na maaaring maberipika ang mga pangalan ng contact tracing team sa pamamagitan ng Barangay Health Emergency Response o BHERT.

Source: GMA News Online

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: