Browse By

DOH naglunsad ng bagong Mental Health App

Lusog-Isip – ang app na makapagbibigay tulong para sa kalusugang pangkaisipan ng mga Pilipino inilunsad ng DOH kasama ang United States Agency for International Development (USAID) nitong Biyernes, Oktubre 15, 2021.

App para sa kalusugan ng kaisipan, isinusulong

Ang Lusog-Isip app ay ang kauna-unahang mobile app na naisagawa sa pakikipatulungan ng DOH at USAID upang matugunan ang malawakang pangangailangan na mapangalagaan ang mentalidad ng mga Pilipino sa gitna ng kinakaharap na pandemya.

Layunin nitong mabigyang-solusyon ang patuloy na pagdami ng mga taong nakakaranas ng di-angkop na pag-uugali sa kani-kanilang sitwasyon. Hinihikayat nito ang mga Pinoy na matulungan ang kanilang sarili upang malampasan ang kinakaharap na stress at pagkabalisa sa gitna ng paglaganap ng sakit na COVID-19 sa ating bansa.

Photo credit: CNN Philippines Facebook

Mental health disorder, dumadami

Sa datos ng DOH noong May 2021, tinatayang nasa 3.6 milyon na mga Pinoy ang nakikipaglaban sa mental disorder na dala ng pandemya. Kasama dito ang mga taong nagpopositibo sa virus pati na rin ang kani-kanilang pamilya.

Ayon sa pag-aaral, isa sa bawat tatlong pasyente ng COVID ay nagkakaroon ng neuropsychiatric conditions. Mga halimbawa ay depresyon, di mapigilang galit, adiksyon, labis na kalungkutan at pagka-irita.

Mga tools

Sa pamamagitan ng app na ito, masusuri ang aspetong pangkalusugan ng isang indibidwal at kung paano makakayanan ang stress na dala-dala nito.

Mayroon itong mga tools na magsisilbing gabay kagaya ng mga workbooks, exercise routines, audio guides, journaling, mood tracking at mga simpleng paalala para sa sariling pangkalusugan.

Photo credit: CNN Philippines Facebook

Ang app ay magkakaroon din ng karagdagang tulong na malaman ang may pinakamalapit na tagapagbigay ng serbisyo ukol sa mental health at psychosocial na aspetong pangkalusugan na maaring puntahan.

Ang app na ito ay pwede sa lahat ng smartphones at android device na ma-dadownload sa Google Play Store at Apple App Store.

Source: CNN Philippines, ABS-CBN news

Leave a Reply

Your email address will not be published.