Browse By

DOH “Nasaan Ang Benepisyo?” -Manggagawang Pangkalusugan

Ang mga grupo ng mga pribadong hospital ay tinuligsa ang patuloy na pagka antala ng mga ipinangako na benepisyo ng gobyerno. Habang kakulangan ng hinihinging requirements naman ang dahilan ayon sa DOH (Department Of Health.

Photo Credits: Twitter

Sa  isang press conference ng  Private Hospital Workers Alliance of the Philippines (PHWAP) na may 63,772 miyembro ng mga health workers sa 12 pribadong hospital sa Metro Manila at Laguna. Ayon sa kanila ang distribusyon ng pinangakong allowance ni Presidente Duterte ay noong Agosto pa ngunit hanggang ngayon ay wala parin.

Ito ang mga hospital na nabibilang sa PHWAP, Chinese General Hospital, University of Santo Tomas (UST) Hospital, St. Luke’s Hospital (Quezon City and Bonifacio Global City), Metropolitan Medical Center, De los Santos Hospital, The Medical City, Our Lady of Lourdes Hospital, Cardinal Santos Hospital, Calamba Medical Center, Hospital of Infant Jesus and Manila Doctor’s Hospital.

Napag-usapan SRA

Ayon kay Donell Siazon, union president ng UST Hospital at taga-pulong ng PHWAP ang  mga health workers daw ay dapat tumanggap ng halos P38,000 sa loob ng anim na buwang pagtatrabaho. Kabilang din dito ang special risk allowance (SRA) at iba pang benepisyo, tulad ng life insurance para doon sa mga nakasalamuha ang mga COVID-19 na pasyente habang naka duty. 

Marami narin daw nakatanggap ng kanilang mga allowance at benepisyo, bagamat ang iba ay kulang o hindi pa kabuuan. Samantala, ang iba na nabigyan ay bahagi pa ng Bayanihan 2 law noong June 30.

Photo Credits: Rappler

Mga Kulang Na Benipisyo

Ang SRA ay dapat para sa mga health workers na may kumpletong attendance sa loob ng anim na buwan na pagtatrabaho kung saan may P30,000 na kabuuang kita kada isa.

Bagamat, si Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ay nagbigay ng pahayag na inihanda na daw ang pondo ng DBM (Department of Budget and Management) para sa meal allowance, transportasyon at akomodasyon. Hindi parin maaaring makuwa ito ng mga health workers dahil sila daw ay kulang pa rin sa mga isinumite na requirements, ayon kay Siazon.

Kahit ang mga hospitl na pinagtrabahuan ng mga health workers ay walang ibang hiningi o nabanggit tungkol sa kakulangan nila sa mga aplikasyon o requirements.

“Based on recent reports, we saw that many health facilities have incomplete documents. Number two, we are highly reliant on their submission of documents and list of names of facilities.”

Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire

Binigyang diin din ni Vergeire na ang P6 billion na SRA napamahagi na sa mga 700,00 healthcare workers at ang life insurance naman ay naibigay na sa 32 benepisyaryo nito.

Samantala, ang Administrative order No. 42 ay pinirmahan ni Presidente Duterte noong Hunyo,at nakasaad dito dapat ibigay ang hanggang P5,000 na benipisyo o SRA kada buwan sa ating mga health workers na naapektuhan ng COVID-19 habang nasa trabaho sa pribado o pang publiko na hospital.

Source: Inquirer

One thought on “DOH “Nasaan Ang Benepisyo?” -Manggagawang Pangkalusugan”

Leave a Reply

Your email address will not be published.