Press "Enter" to skip to content

DOH, Paiimbestigahan Ang Pagpanaw Ng PNP Doctor Na Nakalanghap Ng Disenfectant

Manila, Philippines – Ayon sa Philippine National Police, pangungunahan ng Department of Health (DOH) ang imbestigasyon sa pagkamatay ng pulis na doktor dahil sa pag-inhale ng toxic chemical.

Dahilan ng pagkasawi

Noong isang araw lamang ay pumanaw si Police Captain Dr. Casey Gutierrez, 31-anyos noong May 31 makaraang makasinghot ng kemikal habang nasa quarantine facility ng coronavirus disease 2019 patients ng PNP.

DOH, Paiimbestigahan Ang Pagpanaw Ng PNP Doctor Na Nakalanghap Ng Disenfectant 2
Photo Credits: Sunstar

Dagdag pa rito, ang kaniyang kasamang dalawa ring miyembro ng PNP Medical Reserve Force na sina Police Staff Sergeant Steve Rae Salamanca at Police Corporal Runie Toledo ang ginagamot sa PNP General Hospital makaraang makaranas ng sintomas tulad ng kay Gutierrez.

Kasalukuyang nasa Philippine Sports Arena (PSA) sina Gutierrez, Salamanca, at Toledo.

Imbestigasyon ng DOH

Sa kasalukuyan, nakikipag-ugnayan na si Police Lieutenant General Camilo Cascolan, PNP Deputy Chief for Administration kay Health Secretary Francisco Duque III para sa imbestigasyon.

Ani ni Gamboa,

DOH, Paiimbestigahan Ang Pagpanaw Ng PNP Doctor Na Nakalanghap Ng Disenfectant 3
Photo Credits: Manila Bulletin

“The PNP mourns the death of Dr. Casey Gutierrez and I have ordered a full investigation to determine the circumstances surrounding his death. All efforts must be exerted to ensure that no similar incident happens in the future.”

Pagluluksa at pagka lungkot

Samantala, ikinalungkot naman ng Department of Health ang nangyari sa police doctor. Kaugnay nito muling nilinaw ni Usec Maria Rosario Vergeire ang circular memorandum 2020-0157 na humihikayat sa publiko na iwasan ang pag-spray, misting para sa COVID-19 sa panahon ngayon.

DOH, Paiimbestigahan Ang Pagpanaw Ng PNP Doctor Na Nakalanghap Ng Disenfectant 4
Photo Credits: Sunstar

Sa ngayon sinabi ni Vergeire na wala pang sapat na ebidensya na sumusuporta sa malawakang misting, fogging o spraying sa indoors at outdoors.

Ani pa ni Vergeire,

“As an effective disinfection or decontamination strategy in non health care setting tajt kills the SARS COVID 2 virus that causes to COVID-19.”

Source: Sunstar

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: