Press "Enter" to skip to content

DOH Pinaliwanag Ang Bagong Pagtatala Ng Fresh Case At New Case

Manila, Philippine – Kagabi, binago ng Department of Health (DOH) ang paglalabas ng bilang o report kaugnay sa coronavirus disease (COVID-19) cases sa bansa, ayon kay Health Usec Maria Rosario Vergeire.

Bagong numero

Ayon kay Vergeire, kung noon ay nagpapakita ang kagawaran ng simpleng bilang at validation.

Ani niya,

DOH Pinaliwanag Ang Bagong Pagtatala Ng Fresh Case At New Case 2
Photo credit: Inquirer.net

“Simula ngayon ay hahatiin na ang numero upang ipakita kung ilan sa mga ito ang “fresh cases” o bagong validated cases at ihihiwalay na ang mga kasong na-late o nagmula lamang sa delayed reporting.”

Fresh at late case

Paliwanag ni Vergeire, sa 539 na kasong inilabas kahapon, Mayo 28, ay 109 lamang dito ang “fresh cases” sa loob ng nakalipas na tatlong araw.

Dagdag pa niya na ang natitirang mahigit na 400 ay ang “late cases” o mga resulta na lumabas pa noong nakaraang linggo ngunit dahil kahapon lang nai-submit ang lab results ay kahapon lamang ito na-validate ng DOH Epidemiology Bureau.

DOH Pinaliwanag Ang Bagong Pagtatala Ng Fresh Case At New Case 3
Photo credit: Rappler

Ani niya,

“Ang validation ay ang pagsisiguro para walang mangyaring double counting.”

Pag lobo ng kaso

Sa mga naiulat namang namatay kahapon na 17, hindi aniya ibig sabihin na kahapon lamang namatay ang mga pasyente.
Dagdag pa ni Vergeire na ang iba sa mga pumanaw ay namatay pa noong Marso at Abril kaya naman patuloy aniya ang pagbaba ng bilang ng mga nasawi sa virus.

Patuloy din aniya ang pagbaba ng mga namamatay kung ang pagbabasehan ay ang date of death at hindi ang date reported.

DOH Pinaliwanag Ang Bagong Pagtatala Ng Fresh Case At New Case 4
Photo credit: Rappler

Matatandaan noong Marso 31 aniya nang may pinakamataas na naitalang namatay kung saan 30 ang nasawi. Gaya aniya sa mga kaso, ang reporting din aniya ay nakasasalay sa aga ng pagsumite ng mga ospital o local government units ng data sa Kagawaran kung saan agad din itong bina-validate

Source: Inquirer

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: