Press "Enter" to skip to content

DOH Sec. Duque, Isinailalim Na Din Sa Self-quarantine 

Last updated on March 21, 2020

Naka-self quarantine ngayon si Department Of Health Secretary (DOH), Francisco Duque III. Hinihintay na lang sa ngayon ang resulta ng COVID-19 testing na isinagawa sakanya na ilalabas matapos ang 2-3 araw.

Walang sintomas

Nilinaw naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na walang sintomas na nakita kay Duque, ngunit dahil sa ito ay asthmatic at hypertensive kinailangan nito sumailalim sa COVID-19 test.

Bukod pa roon, bilang DOH Secretary, si Duque ang isa sa mga nangunguna sa pakikipaglaban sa lalo pang kumakalat na COVID-19 sa bansa at malaki ang tyansa na mahawaan ito. Kaya naman kanilang pinagdesisyunan na sumailalim ito sa COVID-19 test.

Kasaluluyan namang naka work from home si Duque upang masiguro na tuloy tuloy pa rin ang kaniyang pagtatrabaho kahit na ito ay naka-self quarantine.

DOH Sec. Duque, Isinailalim Na Din Sa Self-quarantine  1

Kaligtasan at kalusugan

Sinigurado naman ng DOH na naka-home quarantine at maigi nilang binabantayan ang mga tao na nag-karoon ng close contact kay Duque. Sinimulan na rin ng DOH ang pag-lilinis at pag-disinfect sa kanilang mga opisina upang masigurado ang kaligtasan at kalusugan ng kanilang mga empleyado. 

“DOH assures its employees that their safety and health is a top priority. Offices have been disinfected and close contacts informed so that they can immediately undergo home quarantine and strict monitoring,” – DOH

DOH Sec. Duque, Isinailalim Na Din Sa Self-quarantine  2

Sayang ang testing kit

Nagpahayag naman ng saloobin ang mga netizen sa kalagayan ni Duque at sa naging aksyon nito. Ayon sakanila hindi na sana muna ito sumailalim sa COVID-19 test lalo na’t nagkakaubusan na ngayon ng testing kit sa bansa. Sana raw ay inuna ang mga naka PUI (Person Under Investigation) at PUM (Person Under Monitoring) sa mga hospital dahil ang mga ito ang mas nangangailangan. Sayang lang umano ang testing kit na ginamit kay Duque lalo na’t wala namang sintomas na nakita rito.

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: