Press "Enter" to skip to content

DOH Sec Duque: “ligtas kung bubuksan ang klase by August 24”

Suportado ni Department of Health Secretary Francisco Duque III ang suhestyon ng Department of Education na buksan ang klase sa Agosto 24. Ito ang panininindigan ni Duque sa naganap na virtual Senate hearing ngayong umaga.

Ligtas

Ayon kay Duque, naniniwala ang ahensya ng DOH na ligtas ang pagbubukas ng klase sa Agosto, basta masusunod lamang ang minimum health standards.

DOH Sec Duque: "ligtas kung bubuksan ang klase by August 24" 2

“Sa ngayon sa tingin namin ay ligtas kung bubuksan ang klase by August 24,”

Ang minimum health standards na tinutukoy ng DOH ay ang pagsusuot ng facemasks at maingat at madalas na pagdidisinfect ng mga pasilidad sa mga eskwelahan. Ayon pa kay Duque, maraming nakatalaga na sukatan ang DepEd upang masigurado ang kaligtasan ng mga bata sa eskwelahan. At dahil wala pang bakuna para malabanan ang covid-19, iginiit ni Duque ang minimum health standards sa mga eskwelahan.

“We hope the vaccines will be available the soonest possible time. But habang wala pa, siguraduhin lang natin ang minimum health standards are met to mitigate the risks to our school children,”

Online learning

Ang mga eskwelahan sa mga barangay na may kaso ng covid ay dapat na sumailalim sa localized quarantine, ayon sa health chief. Sa kabilang banda ay suportado rin naman ni Duque ang suhestyon na mapag-aralan ang posibilidad ng online learning.

Matatandaang inanunsyo ni DepEd Secretary Leonor Briones na magbubukas ang klase sa Agosto 24. Hindi din umano kakailangan ang physical attendance ng lahat ng mga magaaral. Tinuturing pa din ng ahensya bilang option ang online learning.

Walang akses

Para naman kay Senate Minority Leader na si Franklin Drilon, hindi uubra ang electronic learning dahil karamihan ng populasyon sa bansa ay walang maayos na akses sa internet. Ayon dito,

“The internet in the country remains the most expensive yet the slowest among Asian countries. I do not see how virtual classes being proposed by the DepEd can be effectively implemented across all sectors. The poor will be at a disadvantage here,”

Taliwas

Ang paninindigan ni Duque na ligtas sa mga mag-aaral ang pagbubukas ng klase sa Agosto ay taliwas sa pahayag ng pangulong Duterte sa televised address nito kagabi. Ayon sa pangulo, hindi nito papayagan na magbukas ang klase hanggat walang bakuna ang nadidiskubre laban sa covid. Aniya ay mas mahalaga na manatili sa bahay ang mga bata at safe ang mga ito kaysa pumasok sa klase at nanganganib ang kalusugan ng mga ito.

Source: CNN Philippines

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: