Press "Enter" to skip to content

DOH: Walang Kasiguraduhan Ang Sputnik Vaccine Ng Russia Ngayong Disyembre

Manila, Philippines – Ayon sa opisyal ng Department of Health (DOH) hindi muna tuluyang dapat magsaya dahil sa kabila ng pag-anunsyo ng Russia na nakabuo na sila ng bakuna kontra COVID-19 ay hindi pa naman siguradong maipamamahagi na ito sa Disyembre.

Hindi sigurado

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ng tanungin ito kung magkakaroon na ng bakuna mula Russia Ngayong Disyembre, wala pang kasiguraduhan ang naturang bakuna.

DOH: Walang Kasiguraduhan Ang Sputnik Vaccine Ng Russia Ngayong Disyembre 2

Ani niya,

“Hindi pa po natin masabi kasi nasa Phase 3 pa lang ng clinical trials. Makikita po natin kung paano magpo-progress ito.”

Clinical trials

Sinabi pa ni Vergeire, na sa ngayon ang tanging magagawa lang ng Pilipinas ay hintayin muna ang resulta ng mga isinasagawang clinical trials sa bakuna ng Russia.

DOH: Walang Kasiguraduhan Ang Sputnik Vaccine Ng Russia Ngayong Disyembre 3

Giit nito,

“Itong bakuna galing Russia… ito ay nasa Phase 3 ng clinical trials. Kailangang tapusin muna Phase 3 clinical trials.”

Dagdag pa niya,

“Hindi pa po nakakapaglabas ng resulta ang Phase 3 ng clinical trials rito, although sinasabi nila na maganda at okay naman siya. Kailangang antayin po natin ang magiging resulta.”

Anunsyo ni Putin

Nitong Martes, inianunsyo ni Russian President Vladimir Putin ang unang bakunang nadebelop na umano kontra COVID-19. Pinangalanan itong Sputnik V. Ayon pa kay Putin, una ng nakatanggap ng naturang bakuna ang kaniyang anak at maayos naman ang naging lagay nito pagkatapos maturukan.

DOH: Walang Kasiguraduhan Ang Sputnik Vaccine Ng Russia Ngayong Disyembre 4

Samantala, matatandaang inanunsyo din ng Pangulong Duterte na handa ito magpa turok ng Sputnik-V para maipakita sa sambayanang Pilipino na ligtas ito gamitin at upang maipakita kay Putin na sinusuportahan at nagpapasalamat ito sa naimbentong bakuna.

Sa ngayon, bagamat wala pa sa pinal na trial ang bakuna ngunit marami ng mga netizens ang nag bigay nf komento dito. Ang iba ay lubos na natuwa at umaasang maging kasagutan na ito sa problemang kinakarap ng bansa, samantalang marami din ang nagpa abot ng pagka bahala at pag kwestyon sa naturang bakuna.

https://www.facebook.com/watch/?v=311465000194823

Source: GMA News Online

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: